Philippine Navy, hindi natatakot sa pagdami ng Chinese vessels sa WPS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,597 total views

Tiniyak ng Philippine Navy ang patuloy na pagpapatrolya sa mga isla sa West Philippine Sea, sa kabila ng patuloy na banta at pananakot ng China.

Ito ayon sa panayam ng programang Veritas Pilipinas kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy on West Philippine Sea, kaugnay sa patuloy na pagdami ng presensya ng mga sasakyang pandagat ng China sa pinagtatalunang WPS.

Hinihinok naman ni Trinidad ang mga Pilipinong mangingisda na ipagpatuloy ang pangingisda sa karagatan kasabay na rin ng pagbabantay sa kanilang kaligtasan.

“Nagpapatuloy tayo ng ating patrolya, to show that na atin ito. ‘Yung ating mga fishermen na bagama’t minsan hina-harass, we encourage them to go out and fish. As much as possible, pinoprotektahan natin, hanggat kaya natin, kasi limitado din ang ating kagamitan, may parating pa naman compare to a world power like China it is a big challenge.Pero, we should not stop doing actions that will indicate na may interes tayo, kasi atin talaga ‘yan,” ang pahayag ni Trinidad sa panayam ng Radyo Veritas.

Una ng inulat ng Philippine Navy ang presensya ng 190 Chinese vessels sa WPS mula September 30 hanggang October 6, mas mataas kumpara sa 178 barkong naitala noong nakaraang linggo.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Francel Padilla na sa 190 na namataang barko, 11 dito ay bahagi ng People’s Liberation Army Navy (PLA-N) at 17 naman ay mga barko ng Chinese Coast Guard (CCG) na nasa Panatag, Ayungin, at Escoda shoals.

Bukod pa rito ang tatlong barko ng CCG at anim na PLA-N ships na namataan sa iba pang bahagi ng WPS sa parehong panahon.

Naitala rin ng Philippine Navy ang pinakamataas na bilang ng mga barko ng China, 251, sa WPS noong Setyembre 17 hanggang 23. Bumaba ito sa 178 mula Setyembre 24 hanggang 30.

“Kahit isa lang, iyon ay violation na. We don’t want to mislead the public na ganito kadami ang critical dyan ay iyong gray ship at white, yung coast guard. Kasi yun ang malalaki,” ayon pa kay Trinidad.

Patuloy na iniinspeksyon at binabantayan ng Philippine Navy ang sitwasyon sa West Philippine Sea, kasabay ng paggiit ng soberanya ng bansa laban sa panggigipit ng China.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 22,570 total views

 22,570 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 50,921 total views

 50,921 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 118,651 total views

 118,651 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 141,802 total views

 141,802 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 210,337 total views

 210,337 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top