Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CHR, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng OFW na binitay sa KSA

SHARE THE TRUTH

 37,627 total views

Nagpahayag ng pakikiramay ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga naiwang pamilya ng Pilipinong binitay sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA).

Kaugnay nito, mariing nanawagan ang Komisyon ng Karapatang Pantao na pinangangasiwaan ni CHR Chairperson Richard Paat Palpal-latoc sa pamahalaan na higit pang paigtingin ang pagsusumikap na matiyak ang kapakanan at kaligtasan ng bawat mamamayang Pilipino.

Ayon sa CHR, tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan ng kapakanan ng mga Pilipino saanmang panig ng mundo.

“As the country’s national human rights institution, the CHR reiterates its call for the Philippine government to further strengthen its efforts in ensuring that the rights of Filipino migrant workers are upheld and protected, even when they are outside the territorial jurisdiction of the Philippines.” Bahagi ng pahayag ng CHR.

Kabilang sa panawagan ng komisyon sa pamahalaan ang pagkakaroon ng isang kongkretong legal support system para sa mga OFW gayundin ang pagpapaigting ng diplomatikong pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa kung saan may mga OFW.

Paliwanag ng CHR, mahalaga ang pagkakaroon ng matatag na diplomatikong relasyon ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa upang matiyak ang pagbibigay halaga sa dignidad at karapatan ng mga OFW kabilang na ang patas na pag-iral ng batas at ang pagkakaroon ng legal representation ng mga OFW na maaring maharap sa iba’t ibang kaso o sitwasyon.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbitay sa isang Pilipinong may kasong murder sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) noong ika-8 ng Oktubre, 2024.

Sa pinakahuling datos ng DFA noong Marso ng nakalipas na taong 2023, hindi bababa sa 80-Pilipino ang nasa death row sa iba’t ibang bansa na pinangangambahan mabitay dahil sa ibat-ibang kasong kinasasangkutan.

Una na ring nagpaabot ng panalangin at pakikiramay ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa naiwang pamilya ng Pilipinong binitay sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) kasabay ng pananalangin para sa ikapapayapa ng kanyang kaluluwa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 10,610 total views

 10,610 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 24,570 total views

 24,570 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 41,722 total views

 41,722 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 92,150 total views

 92,150 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 108,070 total views

 108,070 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 14,934 total views

 14,934 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 23,214 total views

 23,214 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top