Zero tariff sa mais, tinututulan ng FFF

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 299 total views

Tinutulan ng Federation of Free Farmers (FFF) at MAGSASAKA Party-List ang panukalang alisin ang taripa sa pag-aangkat ng mais sa bansa.

Ayon sa FFF at MAGSASAKA Partylist, kung tatanggalin ang taripa o buwis na ipinapataw sa imported na mais, bababa lamang sa hanggang piso at pitumpung sentimo ang presyo kada kilo ng lokal na suplay ng mais.

Kasunod ng pagbaba sa produksyon ng mais ay tataas naman ang presyo ng manok.

“The FFF and MAGSASAKA explained that setting import tariffs on corn to zero would reduce the landed cost of corn by an average of P1.70 per kilo. This would translate to an equal reduction in the production cost of broiler chicken, since approximately one kilo of corn is needed to produce a kilo of chicken. Assuming the savings on import duties would be passed on in full to consumers, retail prices of chicken would go down by less than 1%,” ayon sa mensaheng pinadala sa Radyo Veritas ng FFF.

Nababahala si FFF chairman Leonardo Montemayor na kasabay ng tumataas na presyo ng gasolina at farm inputs, lalo lamang pahihirapan ng zero tariff policy ang sektor ng agrikultura dahil sa kasalukuyan, nasa 5% ang taripa sa imported na mais mula ASEAN region .

Sinabi ni Montemayor na sa halip ipasa ang epekto ng enerhiya sa mga magsasaka ay dapat tulungan ng pamahalaan ang lokal na hog at poultry raisers.

Iginiit ng grupo na matagal nang nakikinabang ang manufacturers at livestock producers sa mga kita sa taripa, kabilang ang malayang pag-aangkat ng feedwheat at barley feeds.

Kaugnay nito, paalala ng Simbahang Katolika na mahalagang pangalagaan ang dignidad at kabuhayan ng mga manggagawa, lalo na ang mga nasa sektor ng agrikultura.

Binibigyang-diin ng Simbahan ang pagsusulong ng mga patakarang nagtataguyod ng katarungang panlipunan at sapat na suporta sa mga magsasaka bilang haligi ng seguridad sa pagkain ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 176,332 total views

 176,332 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 198,442 total views

 198,442 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 270,530 total views

 270,530 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 260,422 total views

 260,422 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top