Pananalig at kapayapaan, panawagan ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,509 total reads

Muling nanawagan si Pope Leo XIV ng pananalig at kapayapaan sa gitna ng lumalalang sigalot sa mundo sa kanyang Regina Coeli sa St. Peter’s Square sa Vatican City.

Sa pagdiriwang ng Divine Mercy Sunday na itinalaga ni Saint John Paul II, iginiit ng Santo Papa na mahalaga ang Eukaristiya sapagkat ito ang pakikiisa ni Kristo sa sangkatauhan, kaya’t inaanyayahan ang bawat isa na patatagin ang ugnayan kay Kristo sa pamamagitan ng Misa.

“It is not always easy to believe… Faith needs to be nourished and sustained,” ayon kay Pope Leo XIV.

Binigyang-diin ng Santo Papa na tulad ng mga unang Kristiyano, dapat pagtibayin at palalimin pa ng bagong henerasyon ang pag-ibig sa Eukaristiya dahil ito ang tanda ng dakilang pag-ibig ng Diyos sa pag-aalay ng kanyang bugtong na anak.

“The Sunday Eucharist is indispensable to the Christian life. They could not live without celebrating the Lord’s Day,” dagdag ng santo papa.

Ayon pa kay Pope Leo, ang Eukaristiya ang pinagmumulan ng misyon ng bawat Kristiyano, kung saan inaanyayahan ang mananampalataya na maging saksi sa dakilang pag-ibig ng Diyos at ibahagi sa kapwa.

“We too may become witnesses of his Resurrection… ‘Mass’ means ‘sending forth,’ or ‘mission,’… We may become witnesses of charity and messengers of reconciliation,” aniya.

Kasabay nito, mariing inilahad ng Santo Papa ang panawagan para sa kapayapaan lalo na sa mga lugar na nagpapatuloy ang karahasang dulot ng digmaan.

Partikular na binigyang-pansin ng punong pastol ang digmaan sa Ukraine, kung saan patuloy ang kanyang panawagan sa mga lider ng bawat bansa na magtulungang pigilan ang lalo pang paglawak ng sigalot.

“May the international community’s attention to the tragedy of this war not waver!” ayon kay Pope Leo.

Para naman sa Lebanon, iginiit ng Santo Papa na, bilang Kristiyano, tungkulin ng bawat isa na pangalagaan ang kapwa, lalo na ang mga inosenteng naiipit sa digmaan.

“The principle of humanity… entails a moral obligation to protect the civilian population from the horrific effects of war… declare a ceasefire and urgently seek a peaceful solution,” giit ng Santo Papa.

Sa paggunita ng anibersaryo ng digmaan sa Sudan, hinimok niya ang mga naglalabang panig na iwaksi ang paggamit ng armas sa halip ay magkaisang tunguhin ang landas ng dayalogo upang tuluyang mawakasan ang digmaan.

Dalangin ng Santo Papa na manaig ang liwanag ni Kristong muling nabuhay at mabigyang-pag-asa at lakas ang mga apektado ng digmaan habang hinimok ang lahat na maging saksi ng awa at pagkakasundo sa isang mundong labis na nangangailangan ng kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 9,724 total reads

 9,724 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 238,086 total reads

 238,086 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 131,552 total reads

 131,552 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 225,581 total reads

 225,581 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 269,440 total reads

 269,440 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top