Misa nobenaryo sa ika-100 anibersaryo ng Canonical Coronation ng Our Lady of Manaoag, pangungunahan ng mga Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,501 total views

Inaanyayahan ng Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag ang mga mananampalataya na makibahagi sa makasaysayang pagdiriwang ng pananampalataya sa paggunita sa ika-100 anibersaryo ng Canonical Coronation ng Nuestra Señora del Rosario de Manaoag.

Sa temang “Inang Maria: Crowned in Grace, Calling us to Jesus,” binibigyang-diin ng selebrasyon ang isang siglo ng debosyon at biyaya, habang inaanyayahan ang bawat deboto na magtipon sa panalangin at pagninilay bilang paghahanda sa makasaysayang sentenaryo.

Magsisimula ang Misa nobenaryo mula April 13 hanggang April 21, ganap na alas-4:30 ng hapon, na pangungunahan ng iba’t ibang obispo mula sa iba’t ibang diyosesis.

Kabilang sa mga mangunguna sina Bishop Rafael Cruz ng Baguio, Bishop Daniel Presto ng San Fernando, La Union, Bishop Fidelis Layog ng Lingayen-Dagupan, at Bishop Napoleon Sipalay Jr. ng Alaminos.

Makikiisa rin sa nobena sina Bishop Rufino Sescon ng Balanga, Bishop Samuel Agcaracar ng San Jose, Nueva Ecija, Cardinal Pablo Virgilio David ng Kalookan, Bishop Jacinto Jose ng Urdaneta, at Archbishop Socrates Villegas ng Lingayen-Dagupan.

Sa April 22, 2026, isasagawa ang maringal at makabuluhang selebrasyon, ganap na alas-9 ng umaga ang Pontifical Mass at pagsasariwa sa pagputong ng korona sa imahe na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles John Brown, habang magbabahagi ng pagninilay si Manila Archbishop Jose Advincula.

Susundan ito ng Closing Fiesta Mass sa ganap na alas-4 ng hapon na pamumunuan ni Archbishop Villegas.

Ayon sa paanyaya, ang sentenaryong pagdiriwang ay hindi lamang pag-alala sa kasaysayan kundi isang paanyaya sa mas malalim na pagbabalik-loob at panibagong sigla ng pananampalataya.

“In the presence of our Mother, we find the path to her Son.”

Inaanyayahan ang lahat ng deboto na makiisa sa pagdiriwang na inaasahang magpapatibay sa pananampalataya at magbubuklod sa sambayanan sa ilalim ng pagmamahal ng Mahal na Birhen ng Manaoag.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 19,971 total views

 19,971 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 94,585 total views

 94,585 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 174,664 total views

 174,664 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 217,803 total views

 217,803 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 217,678 total views

 217,678 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top