Simpleng pagdaraos ng pista, panawagan ng EcoWaste sa simbahan at lokal na pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,661 total views

Nanawagan ang EcoWaste Coalition sa mga lider ng simbahan at lokal na pamahalaan na isulong ang mas simple at matipid na pagdiriwang ng mga pista ngayong tag-init.
Kasabay ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at gas sa pandaigdigang merkado dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Ayon sa grupo, ang pagmahal ng produktong petrolyo ay nagdudulot ng dagdag-pasanin sa ekonomiya ng maraming bansa kabilang ang Pilipinas, kaya’t mahalagang magtipid at maging responsable sa paggamit ng limitadong yaman.

Ipinaliwanag ni EcoWaste Coalition Zero Waste Campaigner Ochie Tolentino, na dapat magtulungan ang mga opisyal ng simbahan, lokal na pamahalaan, at mga barangay upang makapagplano ng mas payak na pagdiriwang.

“Amid the spiraling fuel prices, we implore our church and local government leaders, including our barangay officials, to work with their constituents in planning for simpler celebrations to ensure that scarce resources are not wasted and are spent to meet the essential needs of vulnerable families,” ayon kay Tolentino.

Dagdag pa ni Tolentino, maaaring ilaan ang matitipid na pondo upang makatulong sa mga sektor na lubhang apektado ng oil price hike tulad ng transportasyon, pangingisda, at pagsasaka.
Kaugnay nito, ibinahagi ng EcoWaste Coalition ang ilang mungkahi para sa mas makakalikasan at matipid na pagdiriwang ng pista, tulad ng pag-iwas sa paggamit ng mga disposable na dekorasyon tulad ng banderitas at tarpaulin, pagbawas sa paggamit ng ilaw at paputok, paghahanda ng sapat na pagkain upang maiwasan ang food waste, at paggamit ng reusable na lalagyan sa pagkain at inumin.

Iminungkahi rin ng grupo ang pagbuo ng community pantry, pag-iwas sa labis na pag-inom ng alak, at pagpili ng mga larong hindi nangangailangan ng maraming materyales, tulad ng patintero, piko, at tumbang preso.

Ayon sa grupo, ang pagtitipid sa pista ay hindi lamang nakakatulong sa kapaligiran kundi nagbibigay-daan din upang maibahagi ang natipid na yaman sa mga nangangailangang kapwa sa komunidad.

“Keeping community celebrations simple will help in cutting the volume and toxicity of fiesta garbage, which is vital given the ongoing pollution crisis,” giit ni Tolentino.

Sa katuruan ng Simbahang Katolika, ang kasiyahan ay hindi nasusukat sa karangyaan, kundi sa pagbabahagi, pangangalaga sa kalikasan, at paglingap sa mga higit na nangangailangan.

Kasunod ito ng pagbibigay proteksyon sa mga matutukoy na vulnerable sector at pagtatatag ng mga matitibay na lokal na programa upang tugunan ang mga humanitarian aid initiative.

“Standardized approaches and procedures for humanitarian aid, Formation of Humanitarian Response Teams (at the Parish, Vicariate and diocese) and CMEAL (Community-led Monitoring Evaluation Accountability and Learning). Together, we continue building a more responsive, accountable, and compassionate humanitarian mission for our communities,” bahagi pa ng mensahe ng Caritas Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 21,207 total views

 21,207 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 64,815 total views

 64,815 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 149,099 total views

 149,099 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 164,705 total views

 164,705 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CGG, nababahala sa Senado

 4,586 total views

 4,586 total views Nagpahayag ng pagkabahala si Fr. Warren Puno sa mga kaganapan sa Senate of the Philippines sa gitna ng umiinit na usapin kaugnay ng

Read More »
Scroll to Top