Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 213,310 total reads

Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan? 

Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan sa Quezon City sa loob lamang ng limang oras. Halos kalahati ito ng ulang naitala noong Bagyong Ondoy! Marami rin ang lumusong sa pagbaha, na-stranded sa biyahe, at pinasok ng tubig-baha ang bahay. Hindi bababâ sa limandaan ang nasugatan, at mahigit 25 ang nasawi. Dahil din sa pinagsamang epekto ng habagat at mga nagdaang bagyo, tinatayang 3.5 bilyong piso ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at mahigit 1.4 bilyong piso naman sa agrikultura.

Sa ganitong mga pagkakataon, kanya-kanyang diskarte ang mga Pilipino kung paano poprotektahan ang kanilang sarili, pamilya, at bahay mula sa baha. Isa na rito ang paggawa ng mga improvised flood barrier, na nag-viral sa social media matapos kumalat ang iba’t ibang paraan ng mga Pilipino sa paggawa nito. Sa Noveleta, Cavite, nag-ambagan ang ilang residente para makagawa ng isang barrier na nakatulong na mapigilan ang pagpasok ng baha sa kanilang eskinita. Sa Mabalacat, Pampanga naman, isang tindahan ang gumamit ng sandbags para harangan ang tubig-baha at maprotektahan ang kanilang puwesto.

Patunay ang mga ito ng pagiging maparaan ng mga Pilipino kapag may kalamidad. Pero ganito na lang ba palagi? Kanya-kanya na lang ba? Bakit kailangang tayo-tayo ang gumagawa ng paraan para protektahan ang ating mga sarili gayong dapat ang pamahalaan ang may pangunahing pananagutan dito?

Kahit gaano nakakabilib ang pagkamaparaan ng mga Pinoy, hindi dapat nauuwi sa kanya-kanyang diskarte ang paghahanda at pagtugon sa pagbaha. Hindi trabaho ng isang ordinaryong mamamayan o komunidad na magdisenyo ng sariling proteksyon laban sa baha para lamang mapanatiling ligtas ang kanilang tahanan. Hindi rin dapat sila ang napipilitang gumastos mula sa sariling bulsa o gumamit ng mga improvised na kagamitan para lamang harangan ang tubig-baha. Kahit may mga indibidwal o komunidad na nakagawa ng paraan para maprotektahan ang kanilang mga bahay, paano naman ang mga kalsada, paaralan, ospital, palengke, at iba pang pampublikong lugar? Hindi lahat ay may kakayahang gumawa ng sariling flood barrier at gumastos para dito.

Hindi naman dapat problema ng mga mamamayan ang pagbaha kung maayos ang paghahanda, pagpaplano, at pamamalakad ng mga sistema. Walang ibang may kakayahang ayusin ito kundi ang pamahalaan. Kabilang dito ang paglilinis at pagpapanatili ng mga drainage systems pati na ng mga daluyan ng tubig, tamang pamamahala sa mga ilog at waterways, at pagtiyak na hindi nahaharangan ang natural na daloy ng tubig. Kasabay nito, dapat may malinaw na disaster preparedness, maagang babala, maayos na evacuation plans, at sapat na kagamitan at mga kawani para mabilis na makatugon kapag may panganib. Kung meron ang mga ito, hindi sana naipapasa ang responsabilidad sa mga mamamayan at wala sanang flood barriers na kailangang ilagay.

Labis na kinokondena sa Jeremias 23:1-4 ang mga pinunong hindi inaalagaan ang mga taong ipinagkatiwala sa kanilang pamamahala. Sa halip na gabayan ang kanilang nasasakupan, pinababayaan nilang magkanya-kanyang diskarte ang mga tao at inilalagay nila sila sa panganib. Ganito rin ang binibigyang-diin sa Fratelli Tutti. Hindi sapat na sabihing kaya naman ng bawat isa na dumiskarte para sa sarili. Dapat may mga institusyong aktibo at tunay na kumikilos pa rin para sa kapakanan ng mga tao at ng kabutihang panlahat.

Mga Kapanalig, ang proteksyon laban sa baha ay hindi dapat maging pribilehiyo ng mga may pera, kagamitan, o kakayahang gumawa ng sariling paraan. Hindi dapat kanya-kanya ang kaligtasan. Ito ay pananagutan ng gobyerno sa mga mamamayan. Pananagutan nilang tiyaking may maayos na paghahanda at may mga serbisyong makikinabang ang buong komunidad, lalo ang mga higit na nangangailangan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 97,304 total reads

 97,304 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 147,668 total reads

 147,668 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 276,422 total reads

 276,422 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 361,807 total reads

 361,807 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 420,363 total reads

 420,363 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

THE LOST LESSONS

 97,305 total reads

 97,305 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 147,669 total reads

 147,669 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 276,423 total reads

 276,423 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 361,808 total reads

 361,808 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »
Scroll to Top