Tularan ang buhay ni Santa Rosa de Lima, Bishop Santos sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,584 total reads

Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na kilalanin at unahin ang Diyos, kasabay ng paggunita sa kapistahan ni Santa Rosa de Lima sa Saint Rose of Lima Parish sa Teresa, Rizal.

Ayon kay Bishop Santos, mahalagang tularan sa buhay ni Santa Rosa ang pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos at ang pagkilala na ang kagandahan, kakayahan at anumang biyayang tinatanggap ng tao ay nagmumula sa Panginoon.

Binigyang-diin ng Obispo na hindi dapat gamitin ng tao ang kanyang mga kakayahan para lamang sa sarili, kundi para sa ikaluluwalhati ng Diyos, paglilingkod sa kapwa at pagiging kasangkapan ng kabutihan.

“Unahin po natin ang Diyos. At yung ating natanggap, yung ating kagandahan, kagalingan, kapangyarihan, gamitin po natin para sa Diyos. Gamitin po natin ang ating kakayahan upang tayo ay maging kasangkapan ng kabutihan at mapabuti ang buhay. Magmalasakit po tayo sa ating kapwa at sa ating pagmalasakit, ipakita pa natin ang ating pag-ibig,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Santos.

Hinimok din ni Bishop Santos ang mga mananampalataya na isabuhay ang pagmamalasakit sa bayan, kalikasan at kapwa, kasunod ng halimbawa ni Santa Rosa na handang magpakasakit at magmahal para sa iba.

Ayon sa Obispo, nawa katulad ni Santa Rosa, sa gitna ng mga pagsubok, mahalagang isipin ang Diyos, ang kapwa at ang sarili, dahil ang Diyos ang patuloy na magtataguyod at magtatanggol sa mga taong nagtitiwala sa Kanya.

“Ang Diyos ang magtataguyod sa atin, ang Diyos ang magtatanggol sa atin, ang Diyos ang bahala sa atin. At sa Diyos may kaligtasan, may kasagutan, may kagalingan. Isipin po natin ang Diyos, isipin natin ang kapwa at ating sarili. Sa panahong ito, kailangan natin magmalasakit,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Santos.

Si Santa Rosa de Lima, na ipinanganak bilang Isabel Flores de Oliva sa Peru noong 1586, ay nakilala sa kanyang buhay ng pananalangin, pagtulong sa mga mahihirap at pag-aalaga sa mga maysakit at walang tahanan, bago pumanaw noong August 24, 1617 sa edad na 31.

Bilang unang taong isinilang sa Amerika na idineklarang santo ng Simbahang Katolika, naging huwaran si Santa Rosa ng paglilingkod at sakripisyo, at idineklara siyang santo ni Pope Clement X noong 1671, si Santa Rosa De Lima rin ang kinikilalang ikalawang Patrona ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 77,160 total reads

 77,160 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 171,938 total reads

 171,938 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 216,206 total reads

 216,206 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 239,315 total reads

 239,315 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 310,979 total reads

 310,979 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 30,304 total reads

 30,304 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top