20-milyong SC at PWD’s, mabibiyayaan ng 50-porsiyentong diskuwento sa LRT at MRT

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,929 total views

May 13 milyong senior citizens (SC) at pitong milyong Persons with Dissabilities (PWDs) ang inaasahang benepisyaryo ng pinalawig ng 50 porsiyentong diskwento sa lahat ng mga tren sa Metro Manila.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Miyerkules ang paglulunsad ng 50% fare discount para sa senior citizens sa persons with disability sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3.
Ginanap ang paglulunsad sa MRT-3 Santolan-Annapolis southbound station, kung saan kasama ng Pangulong Marcos sina Transportation Secretary Vince Dizon, MRT-3 general manager Michael Capati, at Presidential Communication Office (PCO) acting Secretary Dave Gomez.

“Kaya alam naman natin…iyan mga grupong iyan, mga estudyante, PWDs, mga senior citizens, ay talaga naman kailangan ng tulong natin dahil very limited ang kanilang income,” ayon kay Marcos.
Una na ring inilunsad ng pamahalaan noong Hunyo ang 50 porsiyentong diskwento sa pasahe sa mga mag-aaral, bilang pagtugon sa direktiba ng Pangulo na pagaanin ang pasanin ng mga commuter.

Ang inisyatibo ay karagdagang 30 porsiyentong diskwento mula sa dating umiiral na 20 porsiyentong discount sa pasahe o kabuuang 50 porsiyento, na maaring matanggap ng mga benepisyaryo sa tuwing sasakay ng tren.

Inanunsyo rin ng Pangulo ang paggamit ng mga karagdagang tren na una ng binili ng pamahalaan sa China 10 taon na ang nakalilipas o ang Dalian train.

“Gagawaan ng paraan para naman magamit dahil sampung taon nakaparada ito. hindi magamit. Ngunit ngayon, nagagamit na natin at iyan yung ite-testing natin ngayon araw,” ayon pa sa Pangulo.

Ito ay magiging karagdagang tatlong tren na may tatlong bagon, mula sa umiiral na 48.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 145,900 total views

 145,900 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 168,010 total views

 168,010 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 241,169 total views

 241,169 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 233,502 total views

 233,502 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top