Cardinal Tagle, pangungunahan ang pagpapahayag ng Our Lady of Aranzazu Parish na National Shrine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,309 total reads

Inaanyayahan ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu ang mananampalataya sa maringal at makasaysayang pagpapahayag ng simbahan bilang national shrine.

Isasagawa ito sa August 22 kasabay ng pagdiriwang sa Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria kung saan pangungunahan ni Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle ang banal na misa sa alas 10 ng umaga.

Ayon sa dambana, nawa’y sa mahalagang pagdiriwang ng Diocese of Antipolo sa kaunahang national shrine ay higit na mapalawak ang debosyon sa Mahal na Birheng Maria alinsunod na rin sa temang ‘Dambana ng Pag-asa: Daan ng Peregrino kasama ang Birhen ng Aranzazu’.

“Sa pagkakaloob ng pambansang pagkilala sa Mahal na Birhen ng Aranzazu bilang Patroness of Northern Rizal, nawa’y higit pang mapalalim ang debosyon sa Mahal na Ina at mapagtibay ang diwa ng pag-asa, pagmamahal, at pagbabalik-loob sa Diyos,” bahagi ng pahayag ng dambana.

Inihayag pa ng dambana na ito rin ay bahagi ng malawakang pagdiriwang ng Jubilee Year 2025 ng simbahang katolika na nakatuon sa temang Pilgrims of Hope.

Matatandaang sa 129th plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines noong Enero isa ang simbahan ng Nuestra Senora de Aranzazu sa tatlong simbahan sa Pilipinas na idineklarang national shrine.

Batay sa kasaysayan nagsimula ang simbahan noong 1596 sa pamamagitan ng mga Agustinong misyonero ngunit August 29, 1659 nang maitayo ang parokya na itinalaga kay San Mateo na ebanghelista subalit 1705 nang pasimulan ni Fr. Juan Echazabal na isang Heswita ang debosyon ng Birhen ng Aranzazu.

July 17, 2004 ang parokya ng Nuestra Señora de Aranzazu nang maideklarang shrine ang natatanging simbahan sa Pilipinas na nakatalaga sa Birhen ng Aranzazu at sister-parish Basilica of Aranzazu sa Spain.

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 2,204 total reads

 2,204 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 9,237 total reads

 9,237 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 46,617 total reads

 46,617 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 77,888 total reads

 77,888 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 154,845 total reads

 154,845 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 248,635 total reads

 248,635 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top