20-milyong SC at PWD’s, mabibiyayaan ng 50-porsiyentong diskuwento sa LRT at MRT

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,133 total reads

May 13 milyong senior citizens (SC) at pitong milyong Persons with Dissabilities (PWDs) ang inaasahang benepisyaryo ng pinalawig ng 50 porsiyentong diskwento sa lahat ng mga tren sa Metro Manila.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Miyerkules ang paglulunsad ng 50% fare discount para sa senior citizens sa persons with disability sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3.
Ginanap ang paglulunsad sa MRT-3 Santolan-Annapolis southbound station, kung saan kasama ng Pangulong Marcos sina Transportation Secretary Vince Dizon, MRT-3 general manager Michael Capati, at Presidential Communication Office (PCO) acting Secretary Dave Gomez.

“Kaya alam naman natin…iyan mga grupong iyan, mga estudyante, PWDs, mga senior citizens, ay talaga naman kailangan ng tulong natin dahil very limited ang kanilang income,” ayon kay Marcos.
Una na ring inilunsad ng pamahalaan noong Hunyo ang 50 porsiyentong diskwento sa pasahe sa mga mag-aaral, bilang pagtugon sa direktiba ng Pangulo na pagaanin ang pasanin ng mga commuter.

Ang inisyatibo ay karagdagang 30 porsiyentong diskwento mula sa dating umiiral na 20 porsiyentong discount sa pasahe o kabuuang 50 porsiyento, na maaring matanggap ng mga benepisyaryo sa tuwing sasakay ng tren.

Inanunsyo rin ng Pangulo ang paggamit ng mga karagdagang tren na una ng binili ng pamahalaan sa China 10 taon na ang nakalilipas o ang Dalian train.

“Gagawaan ng paraan para naman magamit dahil sampung taon nakaparada ito. hindi magamit. Ngunit ngayon, nagagamit na natin at iyan yung ite-testing natin ngayon araw,” ayon pa sa Pangulo.

Ito ay magiging karagdagang tatlong tren na may tatlong bagon, mula sa umiiral na 48.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 61,853 total reads

 61,853 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 157,876 total reads

 157,876 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 202,144 total reads

 202,144 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 225,253 total reads

 225,253 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 297,685 total reads

 297,685 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top