Ika-12 national bible quiz, suportado ng CBCP-ECBA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,864 total reads

Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Biblical Apostolate ang 12th Saint Paul National Bible Quiz (SNBQ).

Ayon kay CBCP ECBA Chairperson, Laoag Bishop Renato Mayugba magandang pagkakataon ang bible quiz upang lumalim ang kamalayan ng mamamayan lalo na ng mga kabataan hinggil sa bibliya gayundin ang pagbabahagi sa mga Salita ng Diyos.

Hinimok ni Bishop Mayugba ang mga kabataan lalo na sa sekundarya na lumahok sa bible quiz.

“In the name of the CBCP Episcopal Commission on Biblical Apostolate, I highly recommend the inter-school St. Paul National Bible Quiz organized by the Society of St. Paul. The Biblical Apostolate encourages and invites schools with junior high school students to participate in this year’s Bible Quiz,” ayon kay Bishop Mayugba.

Ayon sa pamunuan ng Socierty of St. Paul maaring magpatala ang mga lalahok na eskwelahan hanggang July 18 habang itinakda naman ang deadline sa pagsumite ng mga pangalan ng kalahok na estudyante sa July 25.

Maaring lumahok sa bible quiz ang mga mag-aaral sa Grades 7, 8, 9, o 10 ngayong school year 2025 – 2026 kung saan maaring magpadala ng isa o dalawang koponan ang bawat institusyon at dapat hanggang dalawang kalahok sa bawat team.

Pag-aaralan ng mga lalahok sa bible quiz ang Old at New Testament ng bibliya, Revised New American Bible or Revised Standard Version gayundin ang Bible Trivia Reviewer ng SPNBQ.

Umaasa si Bishop Mayugba na sa pamamagitan ng inisyatibo ng Society of St. Paul ay mas lumawak ang kaalaman ng mamamayan sa mga Salita ng Diyos.

“I hope that through this activity we can develop more interest in the Bible and grow in hope and wisdom,” dagdag ni Bishop Mayugba.

Itinakda ng St. Paul ang elimination round sa August 28, semifinal round sa August 29 habang national championship naman sa September 13 na gaganapin kasabay ng Manila International Book Fair sa SMX Convention Center sa Pasay City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 61,781 total reads

 61,781 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 157,807 total reads

 157,807 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 202,075 total reads

 202,075 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 225,184 total reads

 225,184 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 297,618 total reads

 297,618 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top