Trust rating ng mga pinuno ng pamahalaan, tumaas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,141 total reads

Tumaas ang tiwala ng publiko sa mga pangunahing pinuno at institusyon ng pamahalaan batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa mula Hunyo 25 hanggang 29, 2025.

Ayon sa resulta ng survey na kinomisyon ng Stratbase, umabot sa 48% ang trust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., o pagtaas ng 10 puntos mula sa 38% noong Mayo.

Samantala, 30% ng mga respondents ang nagsabing may maliit silang tiwala sa Pangulo, habang 21% ang hindi pa tiyak.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, tagapagsalita ng Malacañang, ang pagtaas sa trust rating ni Marcos ay maaaring indikasyon na nakikita na ng taumbayan ang mga hakbang ng administrasyon, sa kabila ng mga batikos mula sa ilang sektor.

Bukod sa ehekutibo, tumaas din ang kumpiyansa ng publiko sa House of Representatives.

Ayon sa parehong survey, umakyat sa 57% ang trust rating ng Kamara—mula sa 34% noong Abril at 49% noong Mayo—ang pinakamataas na naitalang tiwala sa institusyon sa kasaysayan ng SWS.

Ang pagtaas na ito ay iniuugnay sa mas aktibong papel ng Kamara sa mga usaping pambansa gaya ng ekonomiya, kalusugan, edukasyon, at seguridad sa pagkain.

Sa loob ng tatlong taon, nakapagpasa ang Kamara ng mahigit 280 batas, kabilang ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, Tatak Pinoy Act, at Trabaho Para sa Bayan Act.

Gayundin ang mga panukalang batas para sa reporma sa kalusugan at edukasyon, maging ang mga programang sumusuporta sa mga manggagawa, seafarers, at mga lugar na apektado ng kaguluhan sa pamamagitan ng Barangay Development Program.

Tumaas din ang personal trust rating ni House Speaker Martin Romualdez, mula 23% noong Abril patungong 34% nitong Hunyo, sa kabila ng mga kontrobersyang kinakaharap ng pamahalaan tulad ng impeachment complaint laban kay Vice President Duterte.

Ayon kay House Spokesperson Atty. Princess Abante, patunay ang mga resultang ito sa mga nakamit ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Romualdez nitong nakalipas na tatlong taon.

Habang positibo ang mga numerong ito para sa ehekutibo at lehislatibo, iginiit ng Malacañang na mananatiling nakatuon ang gobyerno sa trabaho.

Ayon kay Castro, “Hindi ito dahilan para magpakampante. Ang serbisyo publiko ay tuloy-tuloy. Walang bakasyon hangga’t may kailangang tugunan ang sambayanan.”

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 52,645 total reads

 52,645 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 102,672 total reads

 102,672 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 223,251 total reads

 223,251 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 273,609 total reads

 273,609 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 398,683 total reads

 398,683 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 52,646 total reads

 52,646 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »
Scroll to Top