141 total views
Nilinaw ng Department of Health na hindi nabawasan ang budget ng pangkalusugan para sa taong 2017.
Ayon kay Health secretary Paulyn Jean Ubial, napunta lamang ito sa ibang ‘line item’ o sa ilalim ng Philippine Health Insurance Corporation o PHILHEALTH.
Ipinaliwanag ng kalihim na ngayong 2016, nasama sa kanilang pondo ang ‘premium payment’ para sa mahihirap at sa mga senior citizens at sa 2017 ito ay tinanggal na at inilagay sa Philhealth.
Sa halip, ayon kay Ubial, may dagdag pa nga na 16% ang pondo ng DOH.
“Sa 2016 budget ng DOH nasama sa aming budget yung premium payment para sa mahihirap to Philhealth, pero sa 2017 tinanggal na itong premium payment, so ang total premium payment para sa mahihirap at senior citizens ng 2016 ay P44 bilyon, and kasama ng budget ng DOH na P78.7 bilyon ay ang total niya na P122 bilyon sa ngayon, ngayon ang na-reflect sa 2017 yung budget lang ng DOH na P90 bilyon, hindi naisama yung P50.3 bilyon na premium payment sa poorest Filipinos at senior citizen kung i-to-total yan P150 bilyon, so may kabuuang pang increase ng 16 percent. Inilagay na ito sa line item under Philhealth,” pahayag ni Ubial sa panayam ng Radyo Veritas.
Ayon kay Ubial, nasa P122.63 bilyon ang 2016 budget ng DOH at naging P90.9 bilyon naman sa 2017 dahil na rin sa ibinukod ang premium payments sa mahihirap at senior citizens na kung susumahin mas malaki pa ito ng 16 porsiyento kumpara ngayong taon.
Una ng inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na maliban sa espiritwal na pangangalaga, napakahalagang sangkap din ng pagiging banal na pangalagaan ang katawang-pisikal dahil ito ay templo ng Panginoon.