Walang ospital ang gobyerno na isinapribado-DOH

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 318 total views

Nilinaw ng Department of Health na walang ibinentang pampublikong ospital ang gobyerno.

Ayon kay Health secretary Paulyn Jean Ubial, kailanman hindi naging bahagi ng agenda ng DOH ang maging pribado ang mga pampublikong ospital sa bansa.

Ipinaliwanag ng kalihim ang sitwasyon noon sa Philippine Orthopedic Hospital at sa Fabella Hospital na nakipag-partner lamang ang pamahalaan sa pribadong sektor sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP) kung saan sila ang magpapagawa habang ang gobyerno pa rin ang magpapatakbo.

“Wala tayong ospital na ibinenta, hindi yun part ng agenda ng DOH, sa pamamagitan ng PPP, gaya sa Orthopedic hospital, ginagawa yan ng ahensiya ng pamahalaan ay ang partnership sa private sector, sila ang nagpapagawa pero ang government ang nagpapatakbo, hindi natuloy ang Orthopedic at Fabella kasi tinutulan na rin ng ilang sektor, and then pinonduhan naman ito ng government so di na kailangan ang PPPs, natuludukan na ito,” pahayag ni Ubial sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, inihayag din ni secretary Ubial na natuldukan na rin ang problema sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) na una ng napaulat na pinapaalis na sa kanilang lupang pinagtatayuan dahil na rin sa swapping ng lupa.

“Ang PCMC, ang lupa nila ay pag-aari ng National Housing Authority (NHA), may kasunduan na swapping ng lupa sa Cebu may konting babayaran na lang… naayos na natin yan dahil na rin sa malaking suporta ng pamahalaan,” pahayag ni Ubial.

Kahit noon bawal na yang doctor at nurse nakasimangot, pero ang kagandahan ngayon, nabigyan tayo ng apat na plantilla item sa mga ospital para ma meet natin ang ideal ng personnel ratio,

Hanggang noong 2014, tinatayang nasa 1, 840 ang mga ospital sa buong bansa kung saan 720 dito ang pampublikong ospital.

Una ng inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na maliban sa espiritwal na pangangalaga, napakahalagang sangkap din ng pagiging banal ang pangalagaan ang katawang pisikal dahil ito ay templo ng Panginoon.

Ang isa sa mga dakilang pagpapalang natanggap natin nang pumarito tayo sa lupa ay ang katawang pisikal. Kailangan natin ng katawang pisikal upang maging katulad ng ating Ama sa Langit. Napakahalaga ng ating katawan kung kaya tinawag ito ng Panginoon na mga templo ng Diyos (tingnan sa I Mga Taga Corinto 3:16–17; 6:19–20). Ang ating katawan ay banal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 36,252 total views

 36,252 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 59,404 total views

 59,404 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 129,518 total views

 129,518 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 204,132 total views

 204,132 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 281,544 total views

 281,544 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 145,133 total views

 145,133 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 310,434 total views

 310,434 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top