Buhay, kapalit ng kapirasong lupa?

SHARE THE TRUTH

 416 total views

Mga Kapanalig, bakit kailangang dumanak ang dugo sa paghahangad ng mga magsasaka na magkaroon ng sariling lupa?

Nitong Setyembre, anim na magsasaka ang binaril at napatay, at sinasabing may kaugnayan ang mga ito sa repormang pang-agraryo ng pamahalaan. Ang unang insidente ay naganap sa Nueva Ecija kung saan apat na magsasaka ang pinagbabaril ng hindi na nakikilalang mga suspek. Makalipas ang apat na araw, isang lider-magsasaka sa Isabela ang pinaslang ng tatlong armadong lalaki. Kilalá ang biktima bilang tagapagsulong ng repormang pang-agraryo sa probinsya. Ang pinakahuling insidente ay naganap sa Palawan kung saan mismong guwardya ng Bureau of Animal Industry ang bumaril sa isang lider-magsasaka. Matagal nang ipinaglalaban ng mga magsasaka roon na ipamahagi na ang lupang kinatatayuan ng opisina ng nasabing ahensya. Ayon sa kanila, bahagi ng sakahan ng kanilang mga magulang ang lupang itinalaga ni dating Pangulong Marcos upang gamiting pastulan ng Bureau of Animal Industry.

Anim na buhay ang nawala. Kung mapatutunayang may kaugnayan nga sa repormang pang-agraryo, karagdagan sila sa bilang ng mga napatay dahil sa pagnanais na magkaroon ng lupa.

Layunin ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP na tulungang makaahon sa kahirapan ang mga magsasaka. Inumpisahan noong 1988 sa pamamagitan ng Republic Act 6657, nilalayon ng programang ito ng pamahalaan na ipagkaloob sa mga magsasaka ang mga lupang matagal na nilang sinasaka, at tulungan silang pasaganahin ang kanilang ani. Mula sa orihinal na sampung taon, pinalawig pa ito ng sampu pang taon noong 1998 sa pamamagitan ng RA 8532. Hindi natapos ang pamamahagi ng lupa, kaya’t noong 2009 ay ipinasá ang RA 9700 o ang Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms o CARPER. Itinakda ng CARPER na kumpletuhin ang pamamahagi ng lupa bago sumapit ang deadline na Hunyo 2014. Ngunit sa kasamaang palad, ayon sa Department of Agrarian Reform, mahigit kahalating milyong ektarya pa ang hindi pa naipapamahagi.

Hindi naging madali ang pagpapatupad ng CARP dahil binabangga nito ang mga tinatawag na “panginoong may lupa”. Mayroon ding mahigpit na prosesong dapat ipatupad, at mahabang kasaysayan na dapat isaalang-alang bago magpamahagi. Nakalulungkot na sa kasama sa pinagdaanan ng programa ang pagdanak ng dugo.

Mga Kapanalig, wala tayong karapatang magpasya sa kahihinatnan ng buhay ng ating kapwa. Ngunit makikita natin sa pagpapatupad ng CARP na maaaring humantong sa pagpatay ang patuloy na pagpapairal ng kasakiman ng mga taong ayaw ipasailalim sa CARP ang kanilang malalawak na lupain.

Isang mahalagang prinsipyo sa mga katuruang panlipunan ng Simbahan ang “universal destination of goods”. Sinasabi ng prinsipyong ito na ang lahat ng yaman sa daigdig, kasama ang lupa, ay dapat na pinagbabahaginan at pinakikinabangan ng lahat. Ngunit mahalagang alalahanin na hindi binabangga ng prinsipyong ito ang pagkakaroon ng pribadong pag-aari o private property subalit hinihingi ng pribadong pagmamay-ari ang pagsasaalang-alang natin sa kapakanan at kaginhawaan ng buhay ng ating kapwa. Ibig sabihin, kung ang pagkapit natin sa ating ari-arian ay nagiging balakid sa pag-unlad ng ating kapwa at sa pamumuhay nila nang may dignidad, kagaya ng kahirapang dinaranas ng ating mga magsasaka, pinagkakaitan natin ng katarungan ang ating kapwa.

Mga Kapanalig, magandang paalala sa atin ang sinabi ni San Ambrosio tungkol sa pagbabahagi, na sinipi sa Catholic social teaching na Populorum Progressio: “Hindi ninyo ibinibigay ang inyong kayamanan sa taong dukha. Ibinibigay ninyo sa kanya ang sa kanya. Palibhasa ang inilaan upang magamit ng lahat, kinamkam ninyo para sa inyong sarili. Ipinagkaloob ang mundo sa lahat, at hindi lamang sa mga nakaririwasa.”

Ipagdasal natin ang mga magsasakang buhay ang ibinuwis alang-alang sa mas makatarungang pakikinabang sa lupa. Nawa’y sa ilalim ng bagong administrasyon, maging makatotohanan na at mas mabilis ang programang pang-agraryo sa ating bansa.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 27,922 total views

 27,922 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 33,340 total views

 33,340 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 40,047 total views

 40,047 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 54,843 total views

 54,843 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 60,999 total views

 60,999 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 27,923 total views

 27,923 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 33,341 total views

 33,341 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 40,048 total views

 40,048 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 54,844 total views

 54,844 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 61,000 total views

 61,000 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 40,011 total views

 40,011 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 50,595 total views

 50,595 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 58,812 total views

 58,812 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 43,045 total views

 43,045 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 49,021 total views

 49,021 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 52,114 total views

 52,114 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 41,819 total views

 41,819 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 42,707 total views

 42,707 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 58,010 total views

 58,010 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 70,419 total views

 70,419 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top