Pagkawala ng moralidad sa Pilipinas, ikinatatakot ng Arsobispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 502 total views

Hinikayat ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas presidente ng cbcp ang sambayanang Pilipino na magdasal ng santo rosaryo, magsimba araw-araw at magkumpisal para sa pagbabago ng bansa.

Ito ang nilalaman ng pahatid pastoral ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa kapistahan ng Mahal na birhen ng Santo Rosaryo ngayong araw ika-2 ng Oktubre 2016.

Ayon kay Archbishop Villegas, sa pamamagitan nito ay mapaghilom ang bansa sa galit at di pagkakaunawaan.

Tiwala si Archbishop Villegas na sa pagdarasal ng 20-misteryo ng santo rosaryo kada araw ng mga mananampalataya ay makapagpapabago sa kaisipan at pag-uugali ng mga Filipino.

“Magdasal tayo ng dalawampung misteryo ng ROSARYO araw araw sa lahat ng lalawigan sa Pilipinas. Isang Milyong Rosas para sa Mundo – Mga Pilipinong nananalangin para sa bayan. Mabisang sandata ang pananalangin ng rosaryo sa ating mga kamay at labi. Kay simple na pinawawalang bahala natin ngunit gayung kamakapangyarihan na mapagbabago ang ating mundo.” mensahe ni Archbishop Villegas.

Paghikayat ng Arsobispo na ang pagsisimba araw-araw at pagtanggap ng eukaristiya ay magiging daan ng mga Pilipino para sa paghilom ng mga sugat ng pagkamanhid, pag-aalinlangan, kawalang pag-ibig at kawalang pakialam sa bayan.

“Magsimba araw araw upang ang EUKARISTIYA ang pagmulan na paghihilom ng mga Pilipino dito sa Pilipinas at sa ibayong dagat – paghihilom mula sa mga sugat ng galit at pagkamanhid, pagaalinlangan at kawalang pag-ibig, pagkabulag at kawalang pakiramdam, kawalang pakialam at pananamlay. Hihilumin ang ating bayan kung sisikapin nating araw araw na tumanggap ng Banal na Komunyon. Huwag nating kalimutan na ang isang Eukaristiya na mapagmahal na inialay ay sapat nang papanibaguhin ang buong sanlibutan. Paano pa kaya kung para sa ating bansa?” dagdag pahayag ng Arsobispo

Ipinaalala ng Arsobispo higit sa lahat ang pagdulog sa sakramento ng kumpisal na siyang paglapit sa Diyos dahil sa ating paglabag at paglapastangan sa kanya.

“Dumulog din ng madalas sa Sakramento ng KUMPISAL kahit minsan sa isang buwam. Sinabi ng Mahal na Ina sa Fatima: “Huwag na sana nilang muling sasaktan ang Panginoong Diyos sapagkat sukdulan na nila siyang binigo at sinaktan.” Tayo’y magtika at magsakripisyo. Ipangako na sisikaping tutuparin ang mga Utos ng Diyos at pagsisihan ang mga paglabag dito at mga paglapastangan sa Diyos.” mensahe ng CBCP President

Iginiit ng Arsobispo na sa kapangyarihan ng banal na Rosaryo, ng dakilang handog ng Banal na Komunyon araw araw at sa mapagpakumbabang pagsisisi sa kasalanan ay malalabanan ang mga kalituhan at pagkakamali.

Ikinababahala naman ng Arsobispo na dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa ay tuluyang maglaho na ang natataging pagkamaka-diyos, makatao at makabayan ng mga Filipino.

“Nakakahiya ang mga nababasa kong balita tungkol sa Pilipinas sa mga pahayag ng international media. Lalo pang nakakahiya ang naririnig ko mula sa ating mga pinuno sa mga balitang pambansa. Nakakalungkot na naglalaho at gumuguho na ang mga itinatangi nating mga pinahahalagagan bilang mga Pilipino – ang pagiging maka- Diyos, makatao at maka-bayan – ay unti unting napapalitan ng garapalang pagsasalita ng masama, tahasang pagsisinungaling at malulutong na pagmumura.” pahayag ni Archbishop Villegas

Ikinatatakot din ng Arsobispo na darating ang araw na tutularan ng mga bata ang mga binaluktot na pinahahalagahan.

Ipinaalala din ng Arsobispo ngayong darating na ika-13 ng Oktubre ay gugunitain at ipagdiriwang ng buong Simbahan ang ika-99 na taong pagpapakita ng mahal na birheng Maria sa tatlong bata sa Fatima, Portugal at susunod na taon ay kanyang centenary celebration.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 25,823 total views

 25,823 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 48,975 total views

 48,975 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 119,089 total views

 119,089 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 193,703 total views

 193,703 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 271,924 total views

 271,924 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 77,344 total views

 77,344 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 54,920 total views

 54,920 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 93,339 total views

 93,339 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top