Banta sa karapatan, banta sa demokrasya
612 total views
612 total views Mga Kapanalig, bagamat naglipana ngayon ang “fake news”, masasabing may espasyo pa rin tayong mga Pilipino upang maibahagi natin ang ating saloobin tungkol sa iba’t ibang isyu, kahit pa ang mga puná natin sa mga mali at baluktot na hakbang ng ating pamahalaan. Ito ang positibong bunga ng pagkakaroon ng isang demokratikong lipunan.