318 total views
Ito ang paalala ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya kaugnay na rin sa kapistahan ni St. Jude Thaddeus na ginanap sa National Shrine of St. Jude sa Manila.
Sa kaniyang homily, binigyan diin ni Cardinal Tagle na bahagya lamang na nabanggit si St. Jude sa bibliya subalit hindi ito naging sukatan ng kaniyang pagmimisyon sa simbahan at bilang tagapamagitan kay Kristo ng mga taong nangangailangan ng tulong at panalangin.
“The saint whom we recognized as a powerful intercessor was insignificant in the sense that, even in the holy book not much is remembered of him. But when it comes to the mission of being an intercessor, a co-journeyer, a brother or sister that prays with others, you don’t need fame. You don’t need achievements in your poor simple self. A heart, a heart capable of understanding others, praying for others, expressed it. Let us not wait for us to be somebody before we journey with other people,” ayon sa homiliya ni Cardinal Tagle.
Tiniyak ni Cardinal Tagle na kalimitang kinakasiyahan ng Panginoon ang mga taong simple at walang ibang ipinagmamalaki kundi ang Diyos.
“Sa mata ng Diyos ang mga simple, ang mga mangmang at walang hindi pinararangalan ng mundo sila ang pinipili ng Diyos para hiyain ang mga matatalino at mga makapangyarihan.Our great intercessor compared with the rest was a nobody. But God listens, to the cries of community coming from the many nobodies of this world. And so the best intercessors are those who have no one but the Lord. We learned from the simple ones. They are our great intercessors.” pahayag ni Cardinal Tagle
Kabilang sa nagconcelebrate sa misa ang kura paroko ng National Shrine of St. Jude Thaddeus na si Fr. Lino Narciso at mga pari ng Society of Divine Word (SVD).
Ang parokya ay isa sa tatlong Chinese parishes ng Archdiocese of Manila na sinimulang itinayo noong 1958 at nagbukas noong October 1960 sa pamamagitan na rin ng noo’y Manila Archbishop Rufino Cardinal Santos.
Ang pagnonobena kay St. Jude ay nagsimula noong 1959 na naging popular sa mga mananampalatya lalu na sa mga mag-aaral na kukuha ng board examination at mga may matitinding problema.
Ito rin ang pangunahing dahilan nang italaga ito bilang pambansang dambana ng St. Jude noong 1994.
Si Saint Jude Thaddeus o San Judas Tadeo ay kapatid ni San Santiago na kabilang sa 12 apostoles ni Hesus.
Pinaniniwalaang si San Tadeo kasama si San Bartolome ang nagdala ng kristiyanismo sa Armenia kung saan siya ay naging martir.
Si San Tadeo ay kilala bilang ‘Saint for the hopeless and despaired’ at ‘Patron Saint of the Impossible’.