Pagkakaroon ng OFW Personal Prelature, nasa pagpapasya na ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 74,236 total reads

Hinihintay na lamang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pasya ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa mungkahing pagkakaroon ng ng Personal Prelature para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang panukala ay muli ring tinalakay ng kalipunan ng mga obispo sa katatapos lamang na 127th CBCP general assembly sa Pope Pius XII.

Ipinaliwanag ng Obispo na layunin ng pagkakaroon ng bukod na diyosesis ay upang mapangalagaan ang pananampalataya ng mga OFW sa iba’t ibang bansa, pagkakaroon ng sariling obispo at mga paring Filipino.

Isa rin itong paraan, upang mapag-ibayo ang pakikibahagi ng mga Filipinong Katoliko sa pagpapahayag ng kanilang pananampalataya na ayon sa kultura ng Pilipinas at mapalawak ang pananampalataya maging ng ibang lahi.

“So meron silang unique na pangangailangan na very different sa ibang culture. So, isa ito sa nais nating ma-preserve ‘yung Filipino culture of Christianity ng pagka-Katoliko natin ay huwag ding mawala. At magiging instrumento pa nga, magiging malakas pa nga na instrumento na makatulong tayo…na our participation and our sharing in the, pagpapalago ng mga pananampalataya ng iba pang mga nationality,” ayon pa kay Bishop Bagaforo sa panayam ng programang Pastoral Visit on-the-air ng Radyo Veritas.

Ang pagkakaroon ng prelatura na para sa mga OFW ay unang inaprubahan ng mga obispo sa mga nakalipas na pagtitipon na layong magkaroon ng hiwalay na diyosesis ang mga Filipino na nasa ibayong dagat.

Ibinahagi ni Bishop Bagaforo ng Caritas Philippines na ang usapin ay naghihintay na lamang ng tugon mula sa Santo Papa.

Sa kasalukuyan ang Pilipinas ay binubuo ng 86 na diyosesis na siyang nangangasiwa sa higit 80 milyong populasyon ng mga katoliko sa bansa.

Nabatid sa tala na may 10 milyon ang mga Filipino na nagtatrabaho at naninirahan sa ibayong dagat na una na ring kinilala ng Santo Papa bilang ‘smugglers of faith’ dahil sa masigasig na pagpapahayag ng pananampalataya sa mga bansang kanilang pinaglilingkuran.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 15,655 total reads

 15,655 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 78,715 total reads

 78,715 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 115,503 total reads

 115,503 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 146,250 total reads

 146,250 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 195,978 total reads

 195,978 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 257,577 total reads

 257,577 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top