Mamamayan, hinihikayat ng Caritas Manila sa ALAY KAPWA 40 for 40 CHALLENGE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,134 total reads

Inaanyayahan ng Caritas Manila ang mga regular donors at iba pang mamamayan na makiisa sa ‘Alay-kapwa 40 for 40 Challenge’ sa kuwaresma.

Ito ay sa pamamagitan ng pagtitipid sa 40-araw ng kuwaresma ng 40-piso kada araw upang makabuo ng 1,600-piso na ibabahagi sa alay-kapwa program bilang donasyon.

Ang mga malilikom sa gawain ay ilalaan sa mga programa ng simbahan na nakatutok sa pagpapakain sa mga batang biktima ng malnutrisyon at mga masasalanta ng anumang uri ng kalamidad sa hinaharap.

“13 days left ’til Lenten season officially starts, Make your #Lent2024 more meaningful by joining our ALAY KAPWA 40 for 40 CHALLENGE!, Save 40 pesos every day for 40 days so you can donate a total of P1,600 to fund our nutrition and crisis management program for the poor (#CaritasDamayan), The #AlayKapwa40for40Challenge encourages one to turn their Lenten sacrifices into opportunities for change. Almsgiving is one of the three pillars of Lent. By saving P40 a day, you can feed the malnourished or help us prepare for future disasters.” ayon sa mensahe ng Caritas Manila.

Sinabi ni Fr.Anton CT Pascual, excutive director ng Caritas Manila na ang inisyatibo ay paanyaya sa lahat na ang gagawing “Lenten sacrifices” ay magdudulot ng pagbabago sa buhay ng mga dukha.

Inihayag ni Fr.Pascual na bukod sa nutrition at crisis management program (Caritas Damayan) sa mahihirap, pinalakas din ng Caritas Manila ang livelihood program na tinatawag na “Self-Help Groups o SHEG at Youth Servant Leadership and Education Program o YSELP na nagpapaaral sa mahigit 5-libong mahihirap na mag-aaral sa buong bansa.

Ibinahagi ni Fr.Pascual na noong taong 2020 at 2021 ay mahigit sa 2-bilyong piso ang naibahagi at naitulong ng Caritas Manila sa mga lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Taong 2022, mahigit sa 30,000 pamilya na apektado ng kalamidad sa bansa ang nabigyan ng tulong ng social arm ng Archdiocese of Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 136,720 total reads

 136,720 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 169,652 total reads

 169,652 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 203,777 total reads

 203,777 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 260,182 total reads

 260,182 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top