Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Yolanda anniversary, itinalagang kapistahan ng Our Lady of Hope of Palo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 59,451 total views

Kasabay ng paggunita sa ika-10 taon ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa Visayas Region, itinalaga ni Palo Archbishop John Du ang petsa ng November 8 bilang taunang pagdiriwang o ang Feast of Our Lady of Hope of Palo.

Layunin ng deklarasyon ang higit pang paigtingin ang debosyon sa Our Lady of Hope at ang marubdob na pananampalataya ng mamamayan ng Palo.

November 8, 2013 nang manalasa ang malakas na bagyo sa Visayas kung saan pangunahing napinsala ang Tacloban City na nakapaloob sa kawan ng Archdiocese of Palo.

Isang taon makalipas ang bagyo nang magpagawa ng imahe ng Our Lady of Hope si Archbishop Du bilang pintakasi ng mga nakaligtas sa kalamidad.

Taong 2015, sa pagdalaw ng Santo Papa sa Pilipinas isang maliit na imahe ng Mahal na Birhen ang ipinagkaloob ng arsobispo na mula sa nasirang Palo Cathedral.

Habang noong nakalipas na taon nang putungan ng korona ang imahe na magsisilbing inspirasyon ng Pag-asa ng mga nakaligtas sa pananalasa ng bagyong Yolanda kung saan tinatayang higit sa anim na libo ang naitalang nasawi.

Pagbangon mula sa kalamidad
Patuloy pa rin ang pagsisikap ng mamamayan ng Borongan na makaahon mula sa pinsalang dulot ng Typhoon Yolanda, 10-taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez, bagama’t mahabang panahon na ang lumipas matapos ang kalamidad ay marami pa ring pamilya ang hindi pa naitatayo ang kanilang mga tahanan, kabuhayan at pagpapanumbalik ng sigla sa kanilang buhay.

“As we look back on that fateful day, we remember the lives lost, the families shattered and the communities uprooted. We recall the countless acts of heroism and selflessness that emerged in the midst of the chaos. We acknowledge the pain and grief that still linger in the hearts of those who survived and continue to rebuild their lives. And we recognize the hand of God guiding us through the darkest of moments.” ayon kay Bishop Varquez.

Patuloy din ang panawagan ng obispo sa nasasakupang kawan ang patuloy na pagtutulungan lalo na sa mga pamayanan hindi pa lubos na nakakaahon mula sa pinsalang iniwan ng mapaminsalang bagyo.

Sa kabila ng matinding dagok, naniniwala naman ang obispo na ang kalamidad ang higit pang nagpatibay sa pananampalataya at pagkakaisa ng mga residente sa pagmamalasakit at pag-aalay ng sarili sa kapwa.

Pamamahagi ng titulo ng lupa sa mga benepisyaryo

Pinangunahan naman nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez ang pamamahagi ng mga titulo ng lupa sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda.

Ayon kay Romualdez, ang titulo ay iginawad sa mga benepisyaryong residente na nasira ang mga bahay dulot ng malakas na bagyo-10 taon na ang nakalilipas.

Giit ng mambabatas, ang titulo sa Pabahay Housing Beneficiaries ay magsisilbi ring inspirasyon ng pag-asa sa mga benepisyaryo.

“Let us also celebrate the resilience, unity, and hope that have defined our recovery journey.” bahagi ng talumpati ni Romualdez sa paggunita sa ika-10 taon ng bagyong Yolanda na ginanap sa Tacloban City Convention Center.

Dagdag pa ng mambabatas, “The road has been challenging, but with each passing year, our collective strength and determination grow even more evident.”

Inaalala din ng mambabatas na mula sa unang Distrito ng Leyte ang kanyang naging karanasan na makita ang malawak na pinsalang iniwan ng bagyo sa lalawigan at sa lungsod ng Tacloban.

Subalit sa kabila ng mga pinsala ay ang katatagan ng mga taga-Leyte sa kabila ng hamon at ang patuloy na pagsulong sa muling pagbangon.

Muli ay hinikayat ni Romualdez ang mamamayan lalo na ang nakaligtas sa malakas na bagyo ang pag-alaala sa kanilang mga nasawing mahal sa buhay, pagkilala sa mga taong tumulong para makaahon at ang higit na pasasalamat sa mga biyaya ng Panginoon sa kabila ng trahedya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SINGIL SA KURYENTE

 39,024 total views

 39,024 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 41,234 total views

 41,234 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 114,613 total views

 114,613 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 127,512 total views

 127,512 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 154,155 total views

 154,155 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top