50,976 total views
Umaabot na sa siyam na diyosesis sa Pilipinas ang sede vacante kasunod ng biglaang pagpanaw ni Pagadian Bishop Ronald Lunas noong January 2.
Bukod sa Pagadian, kabilang sa mga diyosesis na walang nangangasiwang obispo ang mga diyosesis ng Alaminos, Baguio, San Pablo, Balanga, Gumaca, Ipil, Tarlac, at Catarman.
Ayon naman sa tala ng Catholink ng Radyo Veritas, dalawa pang obispo sa Pilipinas ang mag-75 taon ngayong 2024.
Ito ay sina Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo (January) at Infanta Quezon Bishop Bernardino Cortez (July).
Sinasaad sa Canon 401 ng Code of Canon Law na kinakailangang magsumite ng liham-pagbibitiw ang mga obispo pagsapit ng edad na 75-taon, bagama’t ang Santo Papa pa rin ang magpapasya kung tatanggapin o hindi ang pagreretiro ng mga obispo.
Bagama’t nasa 75-taon at higit pa, apat na obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang patuloy pa ring nangangasiwa sa kanilang diyosesis.
Ito ay sina Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona (77); Virac Bishop Manolo Delos Santos (76); Cubao Bishop Honesto Ongtioco (75) at Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud (75).