27,917 total views
Tiniyak ng Department of Agriculture ang pagpapaigting ng Modernization Efforts ng pamahalaan upang higit na paunlarin ang agrikultura ngayong 2024.
Ito ang tiniyak ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel sa unveiling ng mga plano, programa at inisyatibo ng kagawaran sa usapin ng modernization at food security efforts ng pamahalaan.
Ayon sa kalihim, ngayong taon ay nakatuon ang mga hakbang na papaunlarin ang agrikultura at lokal na ekonomiya sa pagbibigay ng trabaho sa mas marami pang mamamayan kasabay ng pagpapababa sa presyo ng ibat-ibang agricultural products.
“Basically, a lot of things need to be done. We need to do this with a sense of urgency because there are only four years left in the administration of President Marcos. And we also have to change the perception of Filipinos, that we can produce more food for our country,” ayon sa mensahe ni Laurel na ipinadala sa Radio Veritas ng Department of Agricultural.
Paiigtingin ng kagawaran ang paggamit ng ibat-ibang uri ng makinarya sa pagsasaka at pangingisda upang mapabilis ang produksyon.
Kasabay din ito ng pinaigting na pakikiisa sa mga agricultural stakeholders ngayong 2024 upang higit na matugunan ang papapabuti sa antas ng pamumuhay ng bawat manggagawa sa agrikultura.
Patuloy naman ang pakikiisa ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa sektor ng agrikultura upang mapalakas ang mga apela ng mga mangingisda’t magsasaka at madinig ng pamahalaan ang mga suliranin o hinaing na dapat tugunan sa agrikultura.