Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, hinimok na makiisa sa Bandila at Kandila para sa soberenya at kapayapaan

SHARE THE TRUTH

 7,352 total views

Inaanyayahan ni Father Robert Reyes, nangangasiwa sa church-based social justice group na ‘Solidarity for Truth and Justice’ ang mamamayan na makiisa sa pagkilos na ‘Bandila at Kandila para sa Soberanya at Kapayapaan’.

Sa launching ng gawain sa Sacred Heart Parish – Shrine sa Kamuning Quezon, hinikayat ng pari ang mga Pilipino na mag-alay ng panalangin araw-araw tuwing ala-sais ng gabi, magtirik ng kandila at maglagay ng watawat ng Pilipinas sa kanilang mga tahanan.

Ayon sa Pari, ito ay upang mapaigting ang pamamagitan sa Diyos at dinggin ang panalangin ng mga Pilipino na itigil na ng China ang patuloy na pang-aangkin sa West Philippine Sea.

“At ang ating bansa ay talaga pong tinuturo araw-araw para tayo ay bumigay, gumanti, ay magsimula sila ng gulo, pero hindi, hindi tayo mapipikon, hindi tayo patitinag, pero lalaban tayo sa isang mapayapa at demokratiko at diplomatikong paraan, ang ating mga sandata ay hindi galit, hindi armas, hindi bisig kungdi panalangin, kaya kandila, madasalin ang mga Pilipino,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Reyes.

Sa pamamagitan nito, naniniwala si Father Reyes na mapapalalim pa ang kaalaman ng mga Pilipino hinggil sa mga kinakaharap ng lipunan tulad ng kahirapan, kawalan ng trabaho at hinaing ng mga manggagawa na itaas ang suweldo.

Ibinahagi din ni Fr.Reyes na tuwing biyernes ay idadaos ang misa sa ibat-ibang parokya sa Arkidiyosesis ng Maynila, Diyosesis ng Cubao at iba pang karatig na Diyosesis hanggang sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus sa ika-pito ng Hunyo.

Ito ay upang patuloy ipinanalangin ang pang-aangkin ng China sa teritoryo ng Pilipinas, pananatili ng kapayapaan, kabutihin ng mamamayan at kaligtasan ng bawat isa mula sa ibat-ibang suliranin sa lipunan.

“Araw-araw ala-sais ng gabi, magsindi ng kandila, iwagayway ang kandila at sabihing ‘China! Bumalik na kayo, please go back to where you belong, you don’t own the West Philippine Seas, you invented the 9-dash line, we own this, our ancestors owned this, the Filipinos, before pre-history pa, already fish enjoy the waters of our beloved country, our West Philippine Seas,’ Atin ito! manalangin lang tayo mga kapatid, wag tayong matakot, sindihan ang kandila, iwagayway ang bandila sa araw-araw hindi tayo pababayaan ng Panginoon,” ayon pa sa panayam kay Fr.Reyes

Ngayon darating na Linggo, May 12, inaanyayahan din ni Father Reyes ang mga nais makalikahok na mamamayan na sumali sa ‘BandeRUN’ na fun run initiative bilang pagpapatuloy ng paninindigan at pagpapalalim sa kaalaman ng mga Pilipino hinggil sa inaangkin na teritoryo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,566 total views

 6,566 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,550 total views

 24,550 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,487 total views

 44,487 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,678 total views

 61,678 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 75,053 total views

 75,053 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,612 total views

 16,612 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 33,302 total views

 33,302 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top