57,698 total views
Nagpapasalamat si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lahat ng mga na nagsusulong at patuloy na nagtatanggol ng kasagraduhan ng buhay at ng pamilya.
Ayon kay Cardinal Advincula, kinakailangang ang sama-samang pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at upang maisakatuparan ang misyon na dapat na isagawa nang magkakasama, tulad ng tema ng Walk for Life 2024 na ‘Together we walk for Life.
“I encourage you to continue to be passionate in your ministry. Do not be disheartened if sometimes you feel that what you have been doing is not even noticed or ends up in apparent failure,” ayon kay Cardinal Advincula.
Ito ang bahagi ng homiliya ni Cardinal Advincula sa ginanap na Walk for Life 2024 sa University of Santo Tomas na dinaluhan ng may 80-samahan ng mga simbahan, layko, relihiyoso, pari at mga obispo.
Dagdag pa ni Cardinal Advicula: “Kailangan na rin nating harapin ang katotohanan na napakaraming isyu sa pamilya at lipunan ngayon ang hindi na maaring sagutin na ‘huwag ka ng magtanong, sumunod ka lang.’ We need to engage in more listening and dialogue this is part of walking for life.”
Hinikayat din ni Cardinal Advincula ang bawat mananampalaya na bukod sa paninindigan sa buhay ay maging bukas sa pagbabago ng mga paraan kung paano tutugunan at uunawain ang mga kinakaharap na hamon sa makabagong panahon na nagdudulot ng pagkakaiba at hidwaan maging sa loob ng pamilya.
“Yes, we are clear about teachings on the different issues connected with life and family, but we also need to rethink our approaches, methodologies, and strategies. How do we deal with the dilemmas and complexities of modern families, irregular situations in the home, the diversity and understanding of identity and personhood, and the wounds caused and inflicted because of polarization even in the home,” bahagi ng homiliya ni Cardinal Advincula.
Binigyan diin pa ni Cardinal Advincula na kinakailangan ng lipunan sa ngayon ay ang mga guro na magtuturo at magbibigay gabay sa iba tungo sa tamang landas at tamang pagpapasya bilang mabuting halimbawa lalo na para sa kabataan.
“Families today, especially young people need accompaniment in their journey they don’t need more judgments and condemnations. To lead people to the truth we must do so in love, truth, and charity walking together for life,” ayon pa sa Cardinal.
Panawagan pa ni Cardinal sa lahat na maging masigasig na ipagtanggol ang buhay at pamilya ng magkakasama bilang isang simbahang sinodal na naglalakbay.
Tinatayang may limang libo katao ang dumalo sa taunang pagtitipon bilang bahagi ng adbokasiya ng simbahan sa paninindigan para sa kasagraduhan ng buhay.
Dumalo rin sa pagtitipon ang ilang mga obispo na pinangungunahan ni Kalookan Bishop Pablo David, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at Dipolog Bishop Severo Caermare, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity.