Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,872 total reads

Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 16 Pebrero 2024, Mt 9:14-15

Dahil hindi na yata matiis ng parish priest na makita ang isang babaeng lumalakad na paluhod habang nagrorosaryo, nilapitan niya ito at sinabihan, “Hindi ba pwedeng magdasal ka na lang na nakaupo o nakaluhod sa luhuran? Ba’t ba kailangan mo pang lumakad na paluhod mula sa entrada patungo sa altar? Nagdudugo na ang mga tuhod mo at napapansin ka tuloy ng mga tao. Hindi mo naman kailangan gawin iyan. Hindi naman hinihingi iyan sa iyo ng Panginoon.”

Sumagot ang babae: “Hindi ko naman po ginagawa para pansinin ng mga tao, Father. Alam ko rin po na hindi naman kailangang gawin ito at hindi hinihingi ng Panginoon. Ako po ang mayroong hinihingi sa kanya. Namamanata po ako para sa anak kong bunso. May congenital heart problem po siya, may butas sa puso. Kailangan ng malaking halaga para maoperahan siya, hindi naman po namin kaya. Nagmamakaawa po ako sa Panginoon—sana ako na lang ang maghirap, huwag na lang ang anak ko.”

Panata ang tawag sa ganyan. May kaakibat na sakripisyo. Sa tingin ko ito ang mas angkop na translation para sa FASTING para sa Filipino. Hindi kasi ako kuntento sa salitang AYUNO—walang datíng para sa atin dahil Kastila. Kaya nga DESAYUNO ang tawag ng Kastila sa almusal—unang kain sa umaga para tapusin ang AYUNO, o mahabang oras na walang kain.

Tuloy laging iniuugnay ang FASTING sa hindi pagkain; fasting din ang tawag sa pagre-reduce o pagpapakapayat o pagpapasexy.

“Bakit ba kaming mga alagad ni Juan at mga Pariseo ay nag-aayuno, pero kayo at ang mga alagad ninyo ay hindi?” Kung ako si Hesus baka ganito ang sinagot ko, “Ewan ko sa inyo. Ba’t ba kayo mag-aayuno nang hindi ninyo alam para saan? Ba’t ninyo gagawin kung hindi malinaw sa inyo ang kabuluhan nito?” Ganito rin ang tanong ng propeta sa ating unang pagbasa.

Mas malakas ang dating ng salitang PANATA kaysa AYUNO. Pati nga sa mga pananagutan natin sa bayan bilang mga mamamayang Pilipino, ginagamit natin ang salitang PANATA. Di ba binibigkas ng mga estudyante sa elementary ang PANATANG MAKABAYAN, matapos awitin ang LUPANG HINIRANG?

Balikan natin ang kuwento ng nanay na namanata para sa anak. Kusa daw na gumaling at natakpan ang butas sa puso ng bata nang hindi na naooperahan. Fast forward, nakita ng pari ang anak na ngayon ay dalaga na, minsan isang araw, lumalakad ding paluhod at nagdarasal. Inulit ng pari ang sinabi sa nanay niya, “Hindi ba pwedeng magdasal ka na lang na nakaupo o nakaluhod sa luhuran? Ba’t ba kailangan mo pang lumakad na paluhod mula sa entrada patungo sa altar? Nagdudugo na ang mga tuhod mo at napapansin ka ng mga tao. Hindi mo naman kailangan gawin iyan. Hindi naman hinihingi iyan sa iyo ng Panginoon.”

Ang sagot daw niya ay—“Gumaling po ako dahil dininig ng Diyos ang dasal ng nanay ko na namanata nang ganito. Kaya namamanata din po ako.” Para saan? Tanong ng pari. “Para po magpasalamat.” Sabi ng pari, “Okey, may mas mabisang paraan ng panata para sa pasalamat—halika, tulungan mo ang parokya sa feeding program para sa mga batang malnourished.” At masayang tumayo ang dalaga.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 1,462 total reads

 1,462 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 52,523 total reads

 52,523 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 137,889 total reads

 137,889 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 184,625 total reads

 184,625 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 232,496 total reads

 232,496 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 333,940 total reads

 333,940 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

A REFRESHING WIND OF CHANGE FROM SERBIA

 11,173 total reads

 11,173 total reads Amid the wave of student protests sweeping across Europe, some of which have unfortunately turned violent, I find this story from Serbia particularly

Read More »

THE “HEART OF THE FILIPINO”?

 5,223 total reads

 5,223 total reads I used to prefer Philippine Airlines over other carriers because I associated PAL with convenience and comfort. But my experience today, October 20,

Read More »

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 21,141 total reads

 21,141 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 26,784 total reads

 26,784 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »
Scroll to Top