Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, pinayuhang iwasang umabot sa burning point ang kagamitan sa bahay

SHARE THE TRUTH

 19,006 total views

Pinag-iingat ang mamamayan sa posibleng mga sunog na mas pinalala pa ng tagtuyot at umiiral na El Niño phenomenon.

Sa panayam ng Veritas Pilipinas kay Sarah Kay Taa, Senior Fire Officer ng Trinity Volunteer Fire Department, bukod sa mga karaniwang dahilan ng sunog, maari ring pagmulan ng sunog ang labis na init ng panahon.

Ayon kay Taa, ang lahat ng mga kagamitan at bagay ay may tinatawag na burning point mula sa natural heat o mula sa araw na maaring sumiklab at maging sunog.

Inihalimbawa ni Taa ang nangyaring sunog sa parking area ng NAIA, kung saan sinasabing nagsimula sa mga tuyong damo na mabilis na kumalat dahilan upang masunog ang may 18 mga nakaparadang sasakyan.

Paalala pa ni Taa sa publiko na maging maingat at iwasan ang pagiging lantad ng mga sasakyan sa direct sunlight at pag-iiwan ng mga bagay na madaling masunog.
Number one factor po natin ay ang natural heat o ang sunlight. Ang mga gamit po kasi natin lalo na sa bahay or kahit sa labas ng bahay is meron po ‘yang tinatawag na burning point,” ayon kay Taa

Ipinaliwanag ni Taa na ang mga glass bottle o salamin ay nagra-radiate kapag tinamaan ng sikat ng araw at lumilikha ng apoy.

“like ang mga dahon o damo po kasi, lalo na kapag natabihan yan ng glass bottle o anumang may glass, through heat from sunlight nagra-radiate po siya kaya nagsisimula ng fire. Nari-reach po nila ang burning point nila.”paglilinaw ni Taa

Dagdag pa ng fire volunteer, karaniwan namang pinagsisimulan ng sunog sa mga bahay ay ang kuryente at mga napapabayaang niluluto sa kusina.

Payo pa ng eksperto sa publiko ang pagkakaroon ng fire escape plan, tamang paggamit ng fire extinguisher ng bawat miyembro ng pamilya, at higit sa lahat ay huwag mataranta.

Kung walang fire extinguisher maari ding gumamit ng basang basahan, damit o kumot bilang pamatay sunog.

“Sa kitchen fire, kapag umapoy na kaldero, maghanap lang ng takip at takpan ang nasusunog na kawali o kaldero, then close the LPG and burner. Maari ding kumuha ng towel o basang basahan na sasakto na kasya o mas malaki sa kawali. Babasain and pipigain natin bago itakip sa nasusunog,” ayon pa kay Taan.

Pinapayuhan din ang publiko na huwag punuin ang mga saksakan at iwasan at pagggamit ng extension upang magsaksak pa ng karagdagang extension.

 

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 89,103 total views

 89,103 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 96,878 total views

 96,878 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 105,058 total views

 105,058 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 120,553 total views

 120,553 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 124,496 total views

 124,496 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 7,005 total views

 7,005 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating pangulong Duterte got what he wanted

 11,912 total views

 11,912 total views Matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant mula sa International Criminal Court (ICC), sinabi ng isang opisyal ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating Pangulong Duterte, inaresto sa NAIA

 11,912 total views

 11,912 total views Inaresto ngayong umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihain ng mga awtoridad ang warrant of arrest

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top