46,383 total views
Ganito isinalarawan ni Sr. Asunsion “Cho” Borromeo, FFM ang mga pangyayaring sa naganap na EDSA People Power Revolution 38-taon na ang nakakalipas.
Si Sr. Borromeo ay kabilang sa mga madre na unang nagtungo at nanatili sa EDSA kasama ang iba pang mga pari at mga nagkikilos protesta.
Buong-buo pa rin sa alalaala ng madre ang mga nangyari, kabilang na ng mga huling araw na inakala ng marami ang pag-atake ng militar sa mga raliyista.
Kabilang na dito ang pagharang sa mga tangke, gayundin ang tangkang pagbabagsak ng bomba ng mga helicopter.
Kwento pa ni Sr. Borromeo, huminto ang mga tangke, habang ang mga helicopter naman ang nagtungo Camp Aguinaldo sa halip sa mga raliyista.
At sa kagalakan ng lahat ay bumaba ang mga sundalo na may ribbon ng dilaw sa kanilang mga riple na pagpapatunay nang hindi pagsunod sa utos na pasabugan ang mga nagtitipon sa EDSA laban sa noo’y diktadurya ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Ayon pa sa madre, sa pahayag na rin ng mga piloto na pinangungunahan Col. Antonio Sotelo, commander ng 15th Strike Wing, isa sa mga piloto ang nakita ang kanyang mag-ina sa mga taong nasa EDSA, gayung hindi naman umaalis ng kanilang bahay ang kanyang asawa at anak.
Isa namang piloto ang nagsabing nakita niya ng malaking krus sa bulto ng mga taong nagra-rally, habang ang isa naman na bagama’t napindot na ang pagpapakawala ng boma ay himala itong nag-jammed.
Sinabi ng madre na ilan lamang ito sa mga nangyaring himala sa Edsa kaya’t lubos siyang naniniwala na ang “Edsa is an act of God. Whoever dishonors Edsa, dishonors God,” ayon pa kay Sr. Borromeo.
Sinagot din ng madre ang madalas na katanungan kaugnay sa sinasabing pakikialam ng simbahan sa usaping pulitika.
“Sino bang bumubuo ng simbahan? Ang Simbahan ay hindi pari, madre, bishop at seminarian. Ang simbahan ay ang Filipino people, and we the church people do not cease to be Filipinos, we continue to be Filipinos. And we have every right to exercise to speak out, alam natin ‘yan na kapag tumatahimik tayo in the midst of katiwalian we are complicit to the wrong doings,” ayon kay Sr. Borromeo.
Ayon pa kay Sr. Borromeo: “Sabi ko sa panahong ito, hindi na uso ang fence sitting at saka just keeping quiet. So, sabi ko kasi meron kaming tinatawag na prophetic role- we announce the good news and we denounce anything evil. We don’t even settle for the lesser evil.”
Sinang-ayunan din ni Prof. Bonifacio “Bonnie” Macaranas-isa sa mga biktima ng pagpapahirap noong panahon ng Martial Law, co-convenor ng 1Sambayan at dating faculty member ng UP Solair (Graduate School of Labor and Industrial Relations), ang mga pahayag ng madre.
“Ako, when I brought my three-year-old child sa 86…kahit papaano, Maganda ang effect ng helicopters expecting that we will be bombed, talagang nakakatakot. But, because of the massive people from Crossing to Cubao, Ortigas na punong-puno. Siguro, talagang na-touch yung mga soldiers na who wanted to kill all of us. That is how I felt,” ayon kay Macaranas.
“It was the Lord, who was acting all along,” dagdag pa ng propesor.
Si Prof. Macaranas ay kabilang sa 70-libong katao na ikinulong at sa 30-libong dumanas ng torture sa panahon ng Batas Militar.
Ayon kay Macaranas na dati ring seminarista ng Society of Jesus, January 16, 1976 ng siya ay arestuhin ng mga pulis at sundalo dahil sa pagiging kritiko ng administrasyong Marcos Sr.
Sinabi ng propesor na naranasan niya ang pagpapahirap simula ng arestuhin at dalhin sa Fort Bonifacio, kabilang na ang pambubugbog, pagpaso ng sigarilyo at kuryentehin sa kaniyang mga daliri at maging sa kanyang ari sa tuwing hindi nagugustuhan ang kanyang sagot sa interogasyon ng mga sundalo nang hubo’t hubad.
“Without any explanation, they put me in a car, I was blindfolded and brought to a place, that was 3 o’clock siguro ng hapon and I was brought to…I learned later on na it was Fort Bonifacio, in a toilet. I could feel that it was a toilet because immediately upon arrival, they stripped me of all my clothes, and tied my two hands at the back. And I feel it was a tile, a toilet and they started the bugbugan, cigarette butts,” kwento pa ni Macaranas.
Ayon pa kay Macaranas: “The worst part really is the electrocution, I felt they had a wire in my finger and a wire in my penis. And every five to six 6 seconds, they turn something (electrification sound rrrr). Every six seconds, every time they have a question which I felt I could not really answer. Every time they were not satisfied, that was the most painful part.”
Makalipas ang isang taon, na palipat-lipat ng kulungan mula sa Fort Bonifacio, Crame, at Camp Bagong Diwa, pinalaya si Macaranas ng hindi man lamang dumaan sa hukuman.
Si Prof. Maracanas, kasama ang noo’y tatlong gulang niyang anak ay kabilang sa mga nakiisa higit dalawang milyong katao nagtungo sa Edsa upang ikondena ang diktadurya ng dating Pangulong Marcos Sr.
Sina Sr. Borromeo at Prof. Macaranas ay naging panauhin ng Special Program ng Veritasan bilang paggunita ng ika-38 taon ng EDSA People Power Revolution- at ang unang taong anibersaryo ng programa sa Edsa Shrine na pinamumunuan ng shrine rector na si Fr. Jerome Secillano.