Mindanao secession, labag sa 1987 constitution

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,236 total reads

Taliwas sa sinasaad ng Saligang Batas ang panawagang paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.

Ito ang paalala ni 1-Rider Partylist Representative Rodge Gutierrez kaugnay sa isinusulong nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Davao de Norte Rep. Pantaleon Alvarez, lalo’t wala ring dahilan para humihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Pilipinas.

“If we allow our nation to be divided, it would undermine our solidarity with each other as Filipinos. It would disrupt economic stability and hinder growth opportunities for both Mindanao and the rest of the country,” paliwanag ni Gutierrez.

Ipinagtataka rin ni Gutierrez ang naging pahayag ni Alvarez at dating Pangulong Duterte na kapwa mula sa Mindanao na napabayaan ang Mindanao gayung ang dalawang opisyal ang humahawak ng pinakamataas na posisyon sa pamahalaan sa nagdaang administrasyon.

Binigyang-diin pa ng kongresista ang kahalagahan ng pagpapanatili ng pambansang pagkakaisa alang-alang sa kaunlaran sa ekonomiya at ng lipunan.

Sa panig naman ni La Union Rep. 1st District Rep. Francisco Paolo V P. Ortega, miyembro ng House Committee on Public Order na ang pagsusulong ng paghihiwalay ay higit pang magpapalalim sa pagkakaiba sa pagitan ng mga Filipino na patuloy pa ring humaharap sa mga pagsubok matapos ang pandemya.

Tinukoy pa ng mambabatas ang mahalagang bahagi ng Mindanao sa kasaysaysan ng Pilipinas, mayamang kultura at ambag sa kaunlaran ng bansa.

“Mindanao has been an integral part of the Philippines since its inception, contributing significantly to our nation’s cultural diversity and economic prosperity. Any attempt to separate it from the rest of the country undermines its historical and cultural significance,” ayon pa kay Ortega.

Sa halip na paghihiwalay, sinabi ni Ortega ang pagkakaroon ng dayalogo at pagpapabuti sa pamamahala upang tugunan ang mga hinaing at ambisyon ng mga taga-Mindanao.

Una ring tinutulan ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad ang isinusulong ng dating Pangulong Duterte, kasabay na rin ng panawagan sa pamahalaan na paglaanan ng pondo ang rehiyon, hindi lamang tuwing may kalamidad at sa pinsalang dulot ng digmaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 48,804 total reads

 48,804 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 134,170 total reads

 134,170 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 180,905 total reads

 180,905 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 228,777 total reads

 228,777 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 330,395 total reads

 330,395 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top