Paniningil ng PhilHealth premium contributions, pinatitigil ng mambabatas

SHARE THE TRUTH

 42,686 total views

Iminungkahi ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo ang pansamantalang pagpapahinto ng paniningil ng PhilHealth premium contributions sa lahat ng mga minimum wage earners, kasama na ang mga self-employed.

Ayon sa House Resolution 1595, sinabi ni Quimbo na dapat gamitin ang mga hindi nagamit na alokasyon sa PhilHealth sa premium subsidy, upang makatulong sa mga manggagawa.

“This temporary suspension is not just about providing short-term economic relief but also about initiating a comprehensive review of PhilHealth’s benefits and contribution structure. The goal is to expand health benefits for all members and potentially reform the contribution structure, or even to possibly eliminate premiums for minimum wage earners and self-employed individuals earning the equivalent of minimum wages.” ayon kay Quimbo.

Noong 2022, naglaan ang Kongreso sa Philhealth ng 80 billion pesos bilang subsidy sa mga mahihirap na pamilya, senior citizen at persons with disabilities na ayon na rin sa ahensya ay hindi nagamit ang 24 billion pesos sa pondo.

Gayundin sa nakalipas na taon na pinaglaanan ng 79 billion pesos, kung saan may nalalabi pang 39 billion pesos.

Paliwanag ni Quimbo, kayang tustusan ng hindi nagamit na pondo ang premium contributions ng minimum wage earners sa loob ng isang taon nang hindi nakokompromiso ang financial stability ng PhilHealth lalo’t noong 2022 ay 19.6 billion pesos lamang ang premium contribution.

Inaasahan ding aabot sa P463 billion pesos o pagtaas ng 68 percent ang financial reserve ng Philhealth mula sa nakalipas na taon, bukod sa masisingil sa mga miyembro at pondong inilagak ng Kongreso na hindi pa nagagastos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 301 total views

 301 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 25,662 total views

 25,662 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 36,290 total views

 36,290 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 57,311 total views

 57,311 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 76,016 total views

 76,016 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

50-pesos na wage hike, binatikos

 18,925 total views

 18,925 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top