Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 72,143 total views

Hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalatayang Kristiyano na maglingkod at manalangin ng buong kababaang loob at ganap na pagtitiwala sa Panginoon.

Ito ang bahagi ng mensahe ng Cardinal sa ginanap na misa sa Manila Cathedral kaugnay sa paggunita ng Ash Wednesday- ang hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma.

Sa kaniyang homiliya binigyan tuon ng arsobispo ang abo at Krus, na sumisimbolo ng ating, pagsisi at paghahanda ng ating kalooban para kay Hesus na nagpakasakit, namatay at muling nabuhay para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

“Let us pray and serve with humility and total dependence on God.” Ayon pa sa homiliya ni Cardinal Advincula.

Paalala pa ng pinunong pastol ng Maynila na ang abo ay nangangahulugan din na ang lahat ng bagay sa mundo ay lumilipas at may katapusan, subalit hindi ang pagmamahal ng Panginoon.

Giit ni Cardinal Advincula, ang salapi, katanyagan at kapangyarihan ay nawawala, gayundin ang kagandahan at kalusugan na lumilipas sa pag-usad ng panahon.

“Hindi forever ang mga bagay sa mundo kahit pa anong pilit natin, pero minsan niloloko natin ang sarili natin. Tinatago natin ang ating yaman sa halip na linangin at ibahagi. Sinasakim natin ang poder, sa halip na gamitin sa wagas na paglilingkod. Inaabuso natin ang kalikasan sa halip na alagaan. Nag-aadik tayo sa sarap at saya, o nagtatanim ng galit o nag-iipon ng lungkot o nagtatago ng takot sa halip na magbukas o mag-alay ng sarili sa pagmamahal at pagmamalakasakit,” bahagi ng homiliya ni Cardinal Advincula.

Giit ni Cardinal Advincula, hindi sa mundo matatagpuan ang walang katapusan kundi tanging matatagpuan sa piling ng Ama sa langit.

“Ang forever ay ang biyayang galing sa Langit at ito ang dahilan kung bakit hugis Krus ang abo na ipapahid sa noo natin. Ang hugis Krus ay paalala sa nag-iisang forever at iyon ay ang pagmamahal ng Diyos, pagmamahal na walang hanggan, pagmamahal na walang pasubali. Ito lang ang mapanghahawakan natin at ang totoong tumatagal at tumutuloy ay ang mahabaging pagmamahal at ang ganap na katarungan ng ating Ama sa langit.”

Ang Miyerkules De Ceniza ay isang tradisyon ng mga Katoliko na paglalagay ng abo sa noo na sumisimbolo ng kamatayan, pagbabalik-loob, at pagbabago.

Ito rin ang hudyat ng pagsisimulang 40 araw na paghahanda sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Kristo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 80,229 total views

 80,229 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 91,233 total views

 91,233 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 99,038 total views

 99,038 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 112,277 total views

 112,277 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 123,779 total views

 123,779 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

A Call to Conscience and Duty

 8,021 total views

 8,021 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa mga senador ng Republika ng Pilipinas na igalang at isakatuparan ang kanilang tungkuling

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top