Obispo tutol na ihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 75,231 total views

Tutol ang obispo mula sa Mindanao sa panukalang ihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Republika ng Pilipinas.

Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangang pangalagaan ang pagkakaisa ng bansa at hindi paglikha ng pagkakakahati-hati.

‘We have to preserve our unity. No to disintegration of our land,” ayon sa ipinadalang mensahe ng arsobispo sa Radio Veritas.

Hiling naman ng arsobispo, ang paglalaan ng pamahalaan ng mas malaking pondo sa Mindanao para sa kaunlaran ng rehiyon.

Iginiit ni Archbishop Jumoad na naglalaan lamang ng karagdagang badget kapag may nagaganap na digmaan at pinsala.

“Sometimes, we act only if blood is shed to wake us up and give in to the request. Let’s not wait for that. I am for the preservation of our land of our Country the Philippines,” ayon pa kay Archbishop Jumoad.

Unang umalma si Camiguin Representative Jurdin Jesus Romualdo sa isinusulong na panukala ng dating Pangulong Rodrigo Duterte at Rep. Pantaleon Alvarez na ihiwalay ang Mindanao.

Ayon kay Romualdo, ang hakbang ng dating pangulo at ni Alvarez ay paglabag sa 1987 Constitution na may kaakibat na kaso ng ‘sedition’.

Sinasaad sa batas ang pagtatanggol sa soberenya at teriyoryo ng Pilipinas, at nagbabawal sa anumang anyo ng paghahati.

Sinabi pa ni Romualdo na ‘self-serving’ ang intensyon nina Duterte at Alvarez ay isa lamang palabas at panggugulo.

Nangangamba rin ang mambabatas at mga taga-Mindanao sa maaring epekto ng hakbang sa pambansang katatagan at pagkakaisa at maka-apekto sa soberanya, pagkakaisa, at umiiral na batas sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 4,992 total views

 4,992 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 32,997 total views

 32,997 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 50,797 total views

 50,797 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 50,591 total views

 50,591 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 162,912 total views

 162,912 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top