Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Suriin ang ugnayan sa Panginoon, paalala ni Bishop Ongtioco sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,064 total views

Pinaalalahanan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang mananampalataya na napapanahong suriin ang ugnayan sa Diyos ngayong panahon ng kuwaresma.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagsisimula ng paghahanda sa Paschal Triduum ngayong February 14, ang Miércoles de Ceniza o Ash Wednesday.

Sinabi ni Bishop Ongtioco na mahalaga ang panahon ng kuwaresma kung saan hinahanap at hinihintay ng Diyos ang tao na magbalik loob.

“Ngayong panahon ng kuwaresma panahon isang panahon ng pagsusuri ng ating kalooban tayo ba ay lumalago sa ating pananampalataya, ng ating pakikipag-ugnayan sa kapwa at sa Diyos,” pahayag ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.

Binigyang diin ni Bishop Ongtioco ang mahalagang gawain ngayong kuwaresma ang pananalangin, pag-aayuno, pagtitika at kawanggawa.

“Gamitin ang pagkakataon na ito maging mabunga ang ating kuwaresma sa pamamagitan ng panibagong sigla; nawa’y mag-ayuno tayo sa tamang paraan di lang sa pagkain ngunit sa mga salitang di nakatutulong upang ang mabigyang lakas, panibagong sigla yung ating kapwa dapat yung affirmation to support each other para lumago tayo sa kabanalan,” giit ng obispo.

Pinangunahan ng obispo ang banal na misa sa Radio Veritas Chapel sa Quezon City kasama si Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual.

Samantala inaanyayahan naman ni Fr. Pascual na kasalukuyang Executive Director ng Caritas Manila ang mamamayan na suportahan ang programang ‘Alay-kapwa 40 for 40 Challenge’ ng social arm ng Archdiocese of Manila.

Ito ang pagtitipid ng 40 piso kada araw sa loob ng 40 araw ng kuwaresma o kabuuang 1, 600 piso kung saan ang malilikom na pondo ay gagamitin para sa mga programa ng alay kapwa partikular ang feeding program ng simbahan na tumutugon sa usapin ng malnutrisyon sa kabataan gayundin sa mga nasalanta ng kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 51,316 total views

 51,316 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 73,382 total views

 73,382 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 89,078 total views

 89,078 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 96,197 total views

 96,197 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 156,579 total views

 156,579 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top