Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 163,235 total reads

Kapanalig, malaking isyu pa rin ang jeepney phaseout sa ating bayan. Bagong taon na, pero lumang problema pa rin ang ating kinakaharap.

Ang modernisasyon ng ating transport sector, kapanalig, ay magandang hakbang. Lahat naman tayo makikinabang dito. Kaya lamang, bakit nga tila, sa pananaw ng marami nating mga pinuno, obstacle o hadlang ang mga jeepneys sa kasulungan ng transport sector?

Ang mga karaniwang rason na nilalatag para sa transport modernization ay ang polusyong dala ng mga jeep, safety issues, makalumang design na hindi na angkop sa ating panahon  ngayon, at iba pa. Nakasentro ang maraming mga dahilan ng jeepney phaseout sa kalagayan ng mga jeeps sa bayan. Nakaligtaan naman dito ang kalagayan ng mga drivers at operators na umaasa sa kita mula sa mga jeepneys na ito. Tinatayang mga 140,000 na drivers at 60,000 na operators ang mawawalan ng kabuhayan dahil sa jeepney phaseout.

Maaaring sabihin natin na may transition period naman itong phase out na ito. Kaya lamang sa transisyon na ito, hirap pa rin ang nga jeepney drivers at operators dahil malaking halaga ang kakailanganin dito, halaga na hirap nilang bunuin luma man o kahit bago pa ang kanilang mga jeeps.

Maliban sa presyo, marami ring drivers at operators ang nag-aagam agam sa requirement na pagsanib sa mga kooperatiba. Hindi lahat ay kampante na makasali dito dahil sa kanilang edad at siyempre hawak na pera. Marami rin ang nangangamba na bubuwagin nito ang mga grupong kanilang inorganisa para sa kanilang proteksyon. Liban pa dito, kahit pa makapagtaguyod sila ng kooperatiba, 15 na jeepneys ang kailangan ng isa upang mabigyan ng prangkisa. Kung susumahin ang halaga ng mga makabagong jeepneys, kakayanin ba ng mga maliliit na kooperatiba ang halaga nito, kasama pa ang halaga ng prangkisa? Para sa kanila, mga mayayamang grupo lamang ang makaka-afford nito.

Ilan lamang yan sa mga dahilan kung bakit tila na iitsa-pwera sa usapan ng modernisasyon ng transport sector ang ordinaryong jeepney driver at operator. Sa pakiramdam nila, hindi lamang ang jeepney o ang mga ruta ang pini-phase out, kundi pati sila. Kaya’t marami ang nagsasabi na anti-poor ang jeepney phaseout. Apektado rin nito ang mga ordinaryong mamamayan na naka-depende sa jeep sa pang-araw araw na biyahe.

Mahalaga ang pagpapatupad ng malawakang plano para sa modernisasyon ng sistema ng transportasyon. Para sa kaunlaran natin lahat yan. Kaya lamang, sa ating pagnanais na umunlad, iniiwan naman natin ang mga maralita. Hindi lamang ito isang teknikal na isyu, ito ay ukol din sa buhay ng marami nating mga kababayan. Gawin sana natin ang tamang hakbang na makabubuti para sa lahat, upang mabigyan ng mas maayos na kinabukasan ang sambayanang Pilipino. Paalala nga sa atin ng Gaudium et Spes, na sana’y dinggin ng ating mga pinuno: As for the State, its whole raison d’etre is the realization of the common good in the temporal order. It cannot, therefore, hold aloof from economic matters…It has also the duty to protect the rights of all its people, and particularly of its weaker members, the workers, women, and children.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 76,761 total reads

 76,761 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 171,577 total reads

 171,577 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 215,845 total reads

 215,845 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 238,954 total reads

 238,954 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 310,638 total reads

 310,638 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

TRUTH AWARDS

 76,762 total reads

 76,762 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 171,578 total reads

 171,578 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 215,846 total reads

 215,846 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 238,955 total reads

 238,955 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »
Scroll to Top