Mananampalataya, hinimok na ipagdasal na magkaroon ng Obispo ang 9-sede vacante sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,567 total reads

Ipinagkatiwala ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad sa Panginoon ang kanyang bagong misyong gagampanan bilang tagapangasiwa ng Diocese of Pagadian.

Ito ang mensahe ng arsobispo makaraang italaga ng Santo Papa Francisco bilang apostolic administrator ng Pagadian kasunod ng pagpanaw ni Bishop Ronald Lunas.

Batid ni Archbishop Jumoad ang kaakibat na hamon sa pansamantalang pangangalaga sa kawan ng Pagadian subalit sa tulong at gabay ng Panginoon ito ay kanyang mapagtatagumpayan.

“Kahit ito ay krus na idinadagdag sa aking krus dito sa Archdiocese of Ozamiz but I have to trust the Lord that the Lord will always abide us, will always remain in us , will always guide us. Have faith, and trust and be always faithful to whatever He will do for His greater glory and to His people.” pahayag ni Archbishop Jumoad sa Radio Veritas.

Isa ang Pagadian sa mga suffragan dioceses ng Ozamiz kasama ang Iligan, Dipolog at Marawi.

Kasunod ng pagpanaw ni Bishop Lunas, nasa siyam na mga diyosesis na sa bansa ang sede vacante kabilang na ang Alaminos, Baguio, Balanga, Catarman, Gumaca, Ipil, San Pablo at Tarlac.

Apela ni Archbishop Jumoad sa mananampalataya ang mga panalangin upang pagkalooban ng Panginoon ng pinunong pastol ang siyam na mga bakanteng diyosesis.

“We have to pray and ask the Lord for guidance at makapagbigay then ang Santo Papa makapili talaga ng pari na ilagay sa mga bakanteng dioceses.” ani ng arsobispo.

Tinuran ni Archbishop Jumoad na lahat ng pari ay makasalanan at hindi karapat-dapat sa pagiging obispo ngunit sa gabay ng Diyos at puspos ng Espiritu Santo ay makapipili ng mga mabuting pastol na mangangalaga sa kawan ng siyam na diyosesis.

Bukod sa mga sede vacante na diyosesis ilan pang obispo ang naabot na ang mandatory retirement age na 75 taong gulang kabilang na si Archbishop Rolando Tria Tirona ng Caceres (77); Virac Bishop Manolo Delos Santos (76); Cubao Bishop Honesto Ongtioco (75) at; Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud (75).

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 132 total reads

 132 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 50,285 total reads

 50,285 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 135,651 total reads

 135,651 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 182,386 total reads

 182,386 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 230,258 total reads

 230,258 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 331,796 total reads

 331,796 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top