Makiisa sa Justice is our prayer

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 496 total reads

Inaanyayahan ng isang church group ang publiko na makiisa at makidalamhati sa isasagawang misa, pagdarasal at pagtitirik ng kandila sa mga pinatay bunsod ng war on drugs at extra judicial killings sa bansa.

Ang “Justice is our prayer for every candle lit” ay isasagawa sa October 31, dakong alas-10 ng umaga sa San Isidro Labrador Parish, Bagong Silang, Quezon City.

Hinihikayat ni Nardy Sabino, Spokesperson ng Promotion of Church Peoples Response at convenor ng Rise Up for Life and Rights lahat na makiisa at damayan ang pamilya ng mga namatayan.

“Patuloy na damayan ang ating mga kapatid at pamilya na namatayan ng mahal sa buhay sa Oct. 31 para sa sama-samang panalangin, sama-samang pagdadalamhati, sama-samang paglalakbay para sa pag-asa at katarungan. Ito po ay isa ring bahagi ng ating panawagan nang pagkilos sa November 5 na Stop the Killing, Start the Healing. Samahan po natin ang mga pamilya ng mga namatayan lalu na ng mga mahihirap na kamtin ang katarungan at ipanawagan ang pagtigil sa pagpaslang,“ panawagan ni Sabino.

Ang hakbang ay bilang sa pakikiisa sa paggunita ng Undas at pagsisimula ng Start the Healing campaign ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa November 5, sa Edsa Shrine.

Sa November 2 naman isasagawa naman ng Task Force Detainees of the Philippines ang Libong Kandila at Panalangin para sa Libo-libong Biktima ng Karahasan sa Bantayog ng mga Bayani simula alas-2 hanggang alas-6 ng gabi.

Layon nang pagkilos ang pag-alala, katotohanan at pagpapahayag – lalu na sa mga nawawala at biktima ng extra judicial killings, at panalangin para matigil na ang marahas na polisiya ng gobyerno.

Sa pinakahuling ulat, umaabot na sa 14,000 ang pinatay na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Una na ring pinuri ng Santo Papa Francisco ang mga community based drug rehabilitation program ng simbahan bilang tugon sa problema sa droga ng Pilipinas.

Naniniwala ang Santo Papa Francisco na ang pagkalulong ay isang pang-aalipin na maaring bigyang solusyon sa pamamagitan ng edukasyon at pagpapanibago sa tulong ng komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 219,115 total reads

 219,115 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 253,788 total reads

 253,788 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 269,688 total reads

 269,688 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 306,178 total reads

 306,178 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 311,766 total reads

 311,766 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top