66,744 total views
Idineklara ni Pope Francis ang taong 2025 na “Jubilee year” na may temang “Pilgrims of Hope”. Ang Jubilee year ay isang espesyal na taon ng grasya at paglalakbay. Harangin ng Santo Papa na sa Jubilee year ay manaig ang greater sense of global brotherhood at pakikiisa sa mga mahihirap at matutunan ang pangangalaga sa kalikasan na nahaharap sa banta ng climate change.
Naunang inihayag ng Santo Papa ang 2025 Jubilee year sa pamamagitan ng “Papal bull” na may titulong “Spes Non Condufit” o “Hope Does Not Disappoint”.
“May the Jubilee be a moment of genuine, personal encounter with the Lord Jesus, the ‘door’ (cf. Jn 10:7,9) of our salvation, whom the Church is charged to proclaim always, everywhere, and to all as ‘our hope’ (1 Tim 1:1),” nilalaman ng sulat ni Pope Francis sa papal bull.
Pormal na inilunsad ni Pope Francis ang pagsisimula ng 2025 Jubilee sa pamamagitan ng pagbubukas ng “holy door” ng St.Peter’s Basilica ng Christmas eve ng December 24, 2025. Ipinag-utos pa ng Santo Papa na lahat ng cathedral sa buong mundo ay mag-aalay ng banal na misa bilang solemn opening ng Jubilee year sa December 29, 2024. Inatasan din ni Pope Francis ang lahat ng diocese na magsagawa ng pilgrimages sa mga cathedral. Magtatapos ang Jubilee year sa pagsasara ng holy door ng St.Peter’s Basilica sa ika-6 ng Enero 2026, ang pagdiriwang ng Solemnity of the Epiphany of the Lord.Ang Jubilee ay ginugunita ng simbahang katolika tuwing kada 25 taon na panahon ng pagninilay at penance(sakripisyo) sa mga katolikong kristiyano.
Sa pagdiriwang, binigyan-diin ng Archdiocese of Manila sa pamamagitan ng liham pastoral ni Jose Cardinal Advincula ang tatlong mahalagang aspeto: Ang Mukha ng Pag-asa: Paglago sa Pag-sa at Pagbibigay Pag-asa na bahagi ng tema na “Kalakbay Pag-sa”.
Ibinahagi din ng Arcdiocese of Manila ang 24 na Pilgrim churches na maaring bisitahin ng mga mananampalataya sa pagdiriwang ng simbahan sa Jubilee Year 2025…Ito ay ang Archdiocesan Shrine of Mary Queen of Peace (Our Lady of EDSA) Quasi Parish EDSA Shrine; Chapel of St. Lazarus, San Lazaro Hospital (Sta. Cruz, Manila) San Felipe Neri Parish (Mandaluyong City) para sa mga kabataan at estudyante; Archdiocesan Shrine of Santo Niño (Tondo, Manila);Archdiocesan Shrine and Parish of Our Lady of Loreto (Sampaloc, Manila);National Shrine of the Sacred Heart (San Antonio Village, Makati City);Archdiocesan Shrine of Saint Joseph – San Jose de Trozo Parish (Sta. Cruz, Manila);San Ildefonso Parish (Pio del Pilar, Makati City);Saint John Bosco Parish (Brgy. San Lorenzo, Makati City);San Fernando de Dilao Parish (Paco, Manila);Archdiocesan Shrine of Espiritu Santo (Sta. Cruz, Manila);San Carlos Seminary (EDSA Guadalupe, Makati City);Minor Basilica and National Shrine of San Lorenzo Ruiz (Binondo, Manila);National Shrine of the Our Lady of the Abandoned (Santa Ana, Manila);Our Lady of Sorrows Parish (F.B. Harrison Street, Pasay City);National Shrine of Our Lady of Guadalupe (Makati City);Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora de Guia (Ermita, Manila);San Pablo Apostol Parish (Tondo, Manila);Mary Mother of Hope Mission Station – Landmark Chapel (The Landmark Makati, Makati City);Minor Basilica of the Immaculate Conception (Manila Cathedral) – Intramuros, ManilaL; National Shrine of Saint Jude Thaddeus (San Miguel, Manila); Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno (Quaipo, Manila);23. National Shrine of Saint Michael & the Archangels (San Miguel, Manila);24. Minor Basilica of San Sebastian (Our Lady of Mt. Carmel) – Quiapo, Manila. Panawagan ni Cardinal Advincula sa atin na “be pilgrims of hope”.
Sumainyo ang Katotohanan.