Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

2nd collection para sa Haiti, isasagawa sa Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

 434 total views

Hinikayat ni Caritas Internationalis President, Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang lahat ng pari sa Archdiocese of Manila na magsagawa ng 2nd collection para sa mga biktima ni hurricane Matthew sa Haiti.

Inihayag ni Cardinal Tagle na isasagawa ang 2nd collection sa mga misa sa hapon ng Sabado,ika-15 ng Oktubre at linggo ika-16 ng Oktubre sa lahat ng parokyang nasasakupan ng Archdiocese of Manila.

“Mga minamahal na Kapanalig, mga kaibigan, mga kapatid sa panginoong Hesukristo. Alam ko po na nabalitaan na ninyo ang paghagupit ng bagyong Mathew sa isang napakahirap na bansang Haiti. Tayo po habang nakikipag-usap sa inyo ay nakabalita na mahigit sa isang libo(1,000) katao na ang namatay habang sana ay hindi mangyari pero ang banta ng cholera ay nariyan,”panawagan ni Cardinal Tagle.

Ayon kay Cardinal Tagle, nakalulungkot ang iniwang pinsala ni hurricane Matthew na sa kasalukuyan ay hindi pa nakababangon sa epekto ng lindol noong 2010.

“Ang Haiti po ay bukod sa pagiging isa sa mahirap na bansa ay hindi pa po nakakabangon sa lindol na naganap noong 2010 na mahigit 2 daang libong tao ang namatay. Kaya po nanawagan tayo sa ating mga Kapanalig, mga kaibigan sa Pilipinas, una sa lahat isa-isip po natin sila,” apela ng Pangulo ng Caritas Internationalis sa pamamagitan ng Radio Veritas.

Iginiit ng Kardinal na kailangan ng Haiti ang pinansiyal na tulong lalu na mahirap ang kalagayan at pamumuhay sa nasabing bansa.

Ipinaalala ni Cardinal Tagle na tulad ng Pilipinas na nakararanas din ng mga bagyo at kalamidad ay nararapat lamang na tayo ang unang tumulong at magpadama ng awa at habag ng Diyos sa mga taga-Haiti.

Inihayag ng Kardinal na mayroong isinasaayos na pinansiyal na tulong na ipadadala ang mga parokya at organisasyon ng Archdiocese of Manila sa Haiti.

“Tayo rin po ay nakaranas ng bagyong Yolanda, sana tayo ang mga unang nakakaramdam ng pakikiisa sa kanila. Pero hindi sapat ang isipin sila, ipanalangin po natin sila at sa mga darating na linggo. Palagay ko sa ibat- ibang mga parokya at diyosesis at organization ay mayroon tayong magiging pagkilos upang makakalap ng maitutulong sa mga kapatid natin sa Haiti. Kaya po kumakatok kami sa inyo sa taong ito ng habag awa ng Diyos, atin pong isagawa ang habag na ito,”mensahe ni Cardinal Tagle sa mamamayang Pilipino.

Mula sa datus ng gobyerno ng Haiti, mahigit sa 800 katao ang namatay at mahigit sa 60 libong tahanan ang nawasak sa pananalasa ni hurricane Matthew.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 9,623 total views

 9,623 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 17,723 total views

 17,723 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 35,690 total views

 35,690 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 65,011 total views

 65,011 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 85,588 total views

 85,588 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top