264 total views
Hinimok ni DENR Under Secretary on International Affairs and Foreign Assisted Programs Atty. Jonas Leones ang mamamayan na tulungan ang pamahalaan sa pagsasaayos sa kalikasan.
“For example first stage of the National Greening Program is really degrees the barren areas, but mere rehabilitation is not enough if the communities will not be involved that is the reason why will give a sense of ownership sa community,” pahayag ni Leones sa panayam ng Radyo Veritas.
Inihayag ni Leones na sa pamamagitan ng pakikilahok ng komunidad ay hindi lamang dole out ang maibibigay ng ahensya sa mga residente kundi permanenteng pangkabuhayan na tutulong sa kanila upang maitaguyod ang kanilang pamilya.
Subalit upang buo itong maipatupad, hiniling ni Usec. Leones sa bawat isa na magkaisa at isantabi ang hindi pagkakaunawaan.
Ayon sa kalihim, dapat unahin ng bawat mamamayan ang makabubuti para sa lahat at magkaisang pag-aralan ang mga pagbabagong dapat simulan sa kanilang komunidad.
“I am appealing to the different stakeholders na pwede nating itigil na muna yung pagaaway let us sit down plan for the area and then probably we can be successful so the full government arm and public service will be given to them so dapat ay bigyan nila ng chance yung government na magprovide ng mga basic service sa kanila so that itong kahirapan itong pag aaway-away ay mawala na through this area development project,” dagdag pa ni Leones.
Isang halimbawa ng proyektong kasalukuyang pinaiigting ng DENR ang Integrated Natural Resources and Environmental Management Project (INREMP) sa ilalim nito isasailalim sa rehabilitation ang mga ilog at watershed partikular sa lalawigan ng Mindanao.
Ang mga ilog na kabilang sa INREMP restoration ay ang Lanao lake sa Lanao del Sur, Upper Bukidnon River Basin, Upper Chico River Basin ng Cordillera Administrative Region at Upper Wahig-Inabanga River Basin sa Bohol.
Umaasa ang DENR at ang mga katuwang nitong private sectors na ang pagsasaayos sa Watershed ay mag-aangat sa kalagayan ng mamamayan partikular na sa Lanao del Sur na s’yang pinaka mahirap na lalawigan sa buong bansa na tinatayang umaabot sa 67.3% ang poverty insidence.