Pagbabawas ng emission mula sa coal fired power plants, panawagan ng Climate Change Commission

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,140 total reads

Nanawagan ang Climate Change Commission ng pagtupad sa Nationally Determined Contribution na pagbabawas ng emission mula sa mga Coal Fired Power Plants lalo na ng malalaking mga bansa.

Ayon kay Lourdes Tibig, isa sa mga author ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) Report on Oceans and Cryosphere at member ng National Panel of Technical Experts, ng Climate Change Commission, natatanging solusyon ang pagbabawas ng emission upang makontrol at maging mas mababa sa 1.5 degree centigrade ang temperatura ng mundo.

“It is very true that the Philippines is highly vulnerable not just because of its exposure but also because it’s adaptive capacity is low. Our access to resources is not as high as that of the developed countries, they are the ones who really polluted the atmosphere and it is the nature of this greenhouse gas emission that is really dictating the length, of the gravity of the problem and also the vulnerability of the countries.” Pahayag ni Tibig.

Ipinaliwanag ni Tibig ang mga pagbabagong nagaganap sa kasalukuyan sa karagatan at ang mga pagbabago ng klima na epekto ng pag-init ng daigdig.

Aniya, 5-porsiyento ang itinaas ng extreme wave heights sa buong mundo sa nakalipas na tatlong dekada dulot ng pagkatunaw ng mga ice sheets at glaciers.

Sinabi ni Tibig na dahil sa pag-init ng mundo ay nagkakaroon din ng marine heat wave, o pag-init ng karagatan na dumoble na simula pa noong 1982.

Namamatay ang ilang isda o lumilipat ng lugar kapag umiinit ang temperatura ng tubig sa dagat, bukod dito ang init ay nagdudulot din ng coral bleaching o pagkamatay ng mga corals na dahilan upang mawalan ng tirahan at breeding grounds ang mga isda.

Inihayag ni Tibig na dahil sa pag-init ng mundo ay asahan na din ang mga mas matitinding weather disturbances tulad ng mas malalakas na mga bagyo, gaya ng typhoon Haiyan o Yolanda sa Leyte at ang bagyong Ondoy na nanalasa sa Metro Manila sampung taon na ang nakalilipas.

Dagdag pa nito, ang naranasang weather phenomenon na extreme El Niño at La Niña ay maaari pang muling maranasan ng mas matindi kumpara sa normal na nararanasan ng bansa sa mga nagdaang taon.

Iginigiit ni Tibig na ang pagtutulungan ng lahat ng mga bansa, lalo na ang mga developed countries ang natatanging susi upang mapabilis ang pagpapababa sa temperatura ng daigdig, at maisaayos ang kalagayan ng klima sa mundo.

“The strongest way the most effective way is to reduce emissions. I’m saying global effort to reduce emission, I’m referring to the ultimate goal of the Paris Agreement, keeping the temperature degrees to 1.5, it takes the whole globe to do that.” pahayag ni Tibig

Kamakailan ay nanawagan din ang Kanyang Kabanalan Francisco ng kagyat na pagkilos mula sa mga bansa dahil sa Climate emergency na umiiral ngayon sa mundo.

Nauna dito, sinabi din ng Santo Papa sa encyclical na Laudato Si na kinakailangang gumawa ng batas ang mga pinuno ng bawat bansa ng polisiyang magtatakdang palitan ng renewable energy ang paggamit ng maruruming fossil fuels na sumisira sa kalikasan at nagpapainit sa daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 126,164 total reads

 126,164 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 263,202 total reads

 263,202 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 378,977 total reads

 378,977 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 494,230 total reads

 494,230 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 47,297 total reads

 47,297 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 76,832 total reads

 76,832 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 69,676 total reads

 69,676 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top