OFWs at Migrante, bibigyang pugay ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 499 total views

Hinimok ng pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang mamamayan na alalahanin ang mga migrante o Overseas Filipino Workers sa pamamagitan ng pananalangin.

Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, mahalagang kilalanin ng mamamayan ang sakripisyo ng mga OFW sa iba’t-ibang panig ng daigdig na nagsusumikap para sa ikabubuti ng pamilya.

“As we celebrate migrant Sunday we remember their goodness and we uplift their spirits with our prayers and appreciation,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Sa ika – 29 ng Setyembre ipagdiriwang ng Simbahan ang ika – 105 World Day for Migrants and Refugees kung saan hinimok ni Pope Francis ang mananampalataya na patuloy ipanalangin ang mga migrante at refugees na higit nangangailangan ng paglingap dulot ng mga pang-uusig na naranasan at kahirapan sa mga pinanggalingang bansa.

Sinabi ni Bishop Santos na ang paggunita ng Simbahan sa mga migrante partikular dito sa Pilipinas ay pasasalamat sa kanilang paghihirap na mapaunlad ang buhay ng bawat pamilya.

“Celebration of Migrant Sunday is our “thank you so much” for their sacrifices and services to their families and to our country. They build up the future of their loved ones and at same time help our economy,” ani ni Bishop Santos.

Ibinahagi ni Bishop Santos na bawat diyosesis sa bansa ay may mga migrant ministry desks na nakahandang tutulong sa pamilya ng mga OFW habang pinalalakas din ang kampanya para labanan ang human trafficking, at panagutin sa batas ang mga illegal recruiters.

Tiniyak ng Obispo na kabilang ang mga OFW at iba pang mga migrante sa bawat misa upang tulungang hilingin sa Panginoon ang paggabay at kalakasan habang nalalayo sa pamilya.

“Our migrants are always in our prayers, in the celebrations of Holy Masses begging our good Lord to keep them safe, to strengthen them and have sound health,” saad ng Obispo.

Binigyang diin ng pinuno ng CBCP-ECMI ang kahalagahan na maipadama sa mahigit sampung milyong OFW ang pakikiisa ng mamamayan at matulungang maitaguyod ang kanilang mga karapatan habang nakikipagsapalaran sa ibayong dagat.

“We are aware of their social conditions and we let them feel we are with them, working for their welfare as to protect rights and promote their dignity,” ayon pa kay Bishop Santos.

Umaasa naman si Bishop Santos na mabigyan ng patas, makatao at makatarungang trabaho ang bawat OFW na may pangangalaga at paggalang sa karapatan at dignidad ng buhay at matiyak na susundin ng mga employers ang mga itinakda sa batas para sa mga migrante.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 210,164 total views

 210,164 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 240,387 total views

 240,387 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 267,032 total views

 267,032 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 362,005 total views

 362,005 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 369,404 total views

 369,404 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top