Project Shake, inilunsad ng CRS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 752 total reads

Matagumpay ang Catholic Relief Services (CRS) sa paghatid ng mga programa na tumutulong sa mga komunidad na mapagtibay at laging handa ang mamamayan sa mga sakunang posibleng maranasan sa bansa.

Kinilala ni Karen Janes, ang Head of Programs ng CRS Philippines ang aktibong pakikiisa ng buong komunidad sa pangunguna ng lokal na pamahalaan upang maisakatuparan ang mga proyekto nito sa bansa.

“It won’t be successful if we don’t have collaboration in any government organization, local government units, church, when the disaster happens everyone has been prepared; its making the home safer,” pahayag ni Janes sa Radio Veritas.

Ika – 26 ng Setyembre pormal na nagtapos ang limang taong ‘Project SUCCESS (Strengthening Urban Communities Capacity to Endure Severe Shocks) ng CRS kung saan pinagtibay ang mga komunidad sa pamamagitan ng mga pagsasanay laban sa baha.

Suportado ng United States Agency International Development (USAID) ang CRS sa mga programang tulad ng pagtatag ng mga community based risk reduction, pagtuturo sa wastong pamamaraan ng pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbara sa mga lagusan na sanhi ng pagbaha at iba pang proyekto.

Ang ‘Project SUCCESS’ ay nakabatay sa mandato ng Office of Foreign Disaster Assistance (OFDA) na iligtas ang buhay ng mamamayan, iangat ang sambayanan sa kahirapan dulot ng mga kalamidad at bawasan ang epekto ng kalamidad sa lipunan at ekonomiya.

Sa kabuuan higit sa 14, 000 kabahayan o katumbas sa halos 90 libong indibidwal ang natulungan ng CRS mula sa 9 na mga lungsod at munisipalidad sa Metro Manila, Bulacan at Rizal kabilang na ang mga 29 na mga high-risk barangay.

Sa pagtitipon, kapwa nagbahagi ang mga kinatawan ng bawat komunidad sa malaking pagbabago at patuloy na mga programa sa tulong ng CRS, USAID, Caritas – social arm ng Simbahang Katolika, mga parokya at ahensya ng gobyerno.

Kinilala ng CRS ang bawat barangay na aktibong nakilahok sa kanilang programa kasabay ang paglunsad ng panibagong programa ng ‘Project SHAKE’ na layong palakasin ang kamalayan ng mamamayan sa lindol lalo’t pinangangambahan ang ‘The Big One’ sa malaking bahagi ng Metro Manila at karatig lalawigan sa pakikipagtulungan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST – Philvocs).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 15,306 total reads

 15,306 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 101,518 total reads

 101,518 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 138,890 total reads

 138,890 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 170,150 total reads

 170,150 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 242,259 total reads

 242,259 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top