25,304 total views
Kinondena ng Environmental Legal Assistance Center (ELAC) ang pagpatay kay Department of Environment and Natural Resouces (DENR) Forest Ranger Bienvinido “Toto” Veguilla, Jr.
Ayon kay Atty. Grizelda Mayo-Anda, executive director ng ELAC, nakababahala na ang walang habas na pagpaslang sa mga environmental defenders sa Pilipinas.
Giit ni Anda, hindi ito ang unang pagkakataon na may pinaslang ang mga illegal loggers sa Palawan.
Nakapagtataka din ayon sa abogado, kung bakit malakas ang loob ng mga illegal loggers na pumaslang ng mga environmental defenders.
“This is the most dangerous place for environmental defenders, ang Pilipinas so the death of Toto Veguilla just affirmed how dangerous our country is. El Nido Palawan pa man din, is a tourist area so it’s very disturbing, it may have a chilling effect to the citizens there, to the enforcers. But to me, people of El Nido and the local officials, I think they have to really [look] in this phenomenon kasi malamang merong malalakas na taong nagbibigay ng suporta d’yan sa mga taong pumatay kay Toto,” bahagi ng pahayag ni Atty. Anda sa Radyo Veritas.
Nananawagan ang grupo para sa masusing imbestigasyon mula sa pamahalaan, upang mabigyang katarungan ang pagbubuwis ng buhay ni Veguilla para sa kalikasan.
“Kasi kung mahihirap yan, magsasaka, mangingisda, yung mga marginalizes, I doubt if they even have the courage to do that. These people, if there are powerful people behind them, I think that has to be investigated and probe by our enforcement agencies,” dagdag pa ni Atty. Anda.
Bukod kay Veguilla, una nang naging biktima ng pagpatay sa El Nido Palawan dahil sa pagbabawal sa iligal na pagputol ng mga puno si Villa Libertad barangay captain Ruben Arzaga, na pinaslang noong ika-14 ng Septyembre, 2017.
Simula pa noong 2017, nangunguna na ang Pilipinas sa buong Asya bilang deadliest country for environmentalists and Rights defenders.
Noong 2018 naman, nakapagtala ang Global Witness ng 30 mga napaslang dahil sa pagtatanggol sa kalikasan at karapatang pantao.
Sang-ayon sa inihayag ng kanyang Kabanalan Francisco sa Laudato Si mahalaga ang mga tagapagtanggol ng kalikasan na nagpapahiram ng kanilang tinig sa mga nilalang ng Diyos.
Sinabi pa ng Santo Papa na dahil sa pagtatanggol ng mga environmentalists sa sanilikha ay itinataguyod din nila ang kasagraduhan ng buhay.