Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kaligtasan ng environmental defenders, ipinagdasal ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 39,575 total views

Sumentro sa pangangalaga sa kalikasan ang isiganagawang monthly prayer meeting ng Council of the Laity at Radio Veritas sa pangunguna ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo.

Kabilang sa ipinagdasal ng Obispo ang mga environment defenders na humaharap sa mga banta sa buhay dahil sa pagtatanggol sa kalikasan.

Bukod dito, nanawagan din ng panalangin ang Obispo upang mapigilan ang pagtatayo ng Kaliwa dam sa Sierra Madre na nasasakupan ng Prelature of Infanta sa Quezon.

Umaasa ang Obispo na sa pamamagitan ng panawagan ng mamamayan ay maisusulong ang pangangalaga sa kalikasan at ang pakikipaglaban ng mga katutubo sa Quezon para sa kanilang lupaing minana.

“Bahagi po ng ating pangangalaga sa kalikasan ay yung advocacy na panindigan natin at ating panawagan na tanggalin ang mga masamang gawain, at yan po ay ang paggagawa ng dam sa sierra madre, sisirain ang higit na 500 hectares na forest para gawan ng dam, at masama don ang mga katutubo natin mawawalan sila ng kanilang ancestral lands.” pahayag ng Obispo sa Online Prayer meeting sa Radyo Veritas.

Dahil dito, hinimok ni Bishop Pabillo ang mananampalataya na makiisa at lumagda sa kampanyang 10 Million Signature Campaign – No to Kaliwa Dam sa pangunguna ng Save Sierra Madre Network Alliance, kasama ang Prelatura ng Infanta.

Kasabay ng pagdiriwang ng Season of Creation ngayong Septyembre hanggang ika-4 ng Oktubre, unang naglabas ng Pastoral Letter si Bp. Bernardino Cortez ng Prelatura ng Infanta bilang panawagan ng pakikiisa sa signature campaign.

“Come September until October 4, 2019 we will celebrate the Season of Creation. This is the time to promote and expound our Pastoral Letter – “An Urgent Call for Ecological Conversion, Hope in the Face of Climate Change. In spirit of solidarity for “our common home” (Pope Francis) and in this regard, may we present to you our appeal and campaign: NO TO KALIWA DAM! We ask you, your ecology ministry, earth ministry desk to support us in our 10 Million Signature Campaign – No to Kaliwa Dam.” Bahagi ng liham pastoral ni Bishop Cortez.

Tinatayang aabot sa 500 hektaryang kagubatan ang masisira sa kabundukan ng Sierra Madre kung matutuloy ang pagtatayo ng Kaliwa Dam.

Umaasa ang simbahan at mga makakalikasang grupo na didinggin ng pamahalaan ang panawagan upang mapangalagaan ang kalikasan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,260 total views

 29,260 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 40,977 total views

 40,977 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,810 total views

 61,810 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,232 total views

 78,232 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,466 total views

 87,466 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Veritas NewMedia

Pagpaslang sa Forest Ranger, kinondena

 39,577 total views

 39,577 total views Kinondena ng Environmental Legal Assistance Center (ELAC) ang pagpatay kay Department of Environment and Natural Resouces (DENR) Forest Ranger Bienvinido “Toto” Veguilla, Jr.

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Sagipin ang kalikasan

 39,595 total views

 39,595 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng kagyat na pagbabago para sa kalikasan. Sa inilabas na Pastoral Statement on the Environment

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top