300 hektarya ng kagubatan, mawawasak sa Kaliwa dam project

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,044 total reads

Patuloy ang kampanya ng grupong Save Sierra Madre Network Alliance para pigilan ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam Project, ngayong paggunita sa Save Sierra Madre Day, ika-26 ng Septyembre.

Ayon kay Father Pete Montallana, nangangalap pa rin ng mga pirma ang kanilang grupo na isusumite sa Department of Environment and Natural Resources bilang patunay na maraming mamamayang Filipino ang tutol sa pagtatayo ng dam.

Iginiit ng pari na aabot sa 300 hektarya ng kagubatan ang masisira at maraming katutubo ang mawawalan ng tirahan kung matutuloy ang pagtatayo ng dam.

“Nagkakaroon kami ngayon ng campaign dito sa Baclaran Church simula kaninang alas singko at marami na rin ang pumipirma laban sa Kaliwa Dam na s’yang magpapalubog ng 300 hectares na gubat.” Pahayag ng pari sa Radyo Veritas.

Binigyang diin ni Father Montallana ang kahalagahan ng pangangalaga sa kagubatan hindi lamang para sa mga katutubo kun’di para din sa mga naninirahan sa Metro Manila.

Ang malawak na kagubatan ang pinagmumulan ng oxygen at malinis na tubig na kinakailangan ng bawat tao, at ang mga puno nito ang humihigop sa carbon na nagpapainit ng mundo.
Dahil dito, kasabay ng paggunita sa Save Sierra Madre Day, nanawagan ang pari sa pamahalaan at sa bawat tao na pangalagaan ang lahat ng kabundukan at kagubatan sa buong Pilipinas.

“Kailangan na kailangan na nating ma-preserve ang ating kagubatan ang ating mga kahoy, ang sinasabi ng ating mga Obispo sa kanilang Pastoral Letter noong July 9, Climate Emergency na. Mamulat na ang mga tao na lahat ay kailangan na ngayon para alagaan ang kabundukan, lalo na ang Sierra Madre para sa atin dito sa kamaynilaan at sa lahat sa buong Pilipinas, ang mga kabundukan natin ay aalagaan natin.” Dagdag pa ni Father Montallana.

Matatandaang taong 2012 nang ideklara sa ilalim ng Presidential Proclamation number 4-1-3 ang paggunita taun-taon tuwing ika -26 ng Septyembre sa Save Sierra Madre Day.

Ito ay idineklara matapos maranasan sa Metro Manila ang pinsalang dulot ng bagyong Ondoy noong September 26, 2009.

Sa ilalim ng Save Sierra Madre Day kinikilala ang kahalagahan ng Sierra Madre na panlaban ng Pilipinas sa mga bagyo at pagbaha.

Ang matinding deforestation at pagkasira ng Sierra Madre ang nakitang dahilan ng matinding pagbaha noong 2009 sa Metro Manila, kaya naman layunin ng paggunitang ito na pangalagaan ang kagubatan upang hindi na maulit pa ang nagdaang trahedya.
Naunang nagbabala si Antipolo Bishop Francisco de Leon na 11,000 katutubo ang mawawalan ng tirahan sa Kaliwa dam project.

Read: 11,000 katutubo, mawawalan ng tirahan sa Kaliwa dam project

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 21,605 total reads

 21,605 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 58,351 total reads

 58,351 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 284,621 total reads

 284,621 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 178,088 total reads

 178,088 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 270,957 total reads

 270,957 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,760 total reads

 34,760 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,654 total reads

 27,654 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top