Our Lady of the Rosary sa Bataan, idineklarang Minor Basilica ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 576 total reads

Itinuturing na biyaya ng Diocese of Balanga ang paggagawad ng Vatican ng titulong Minor Basilica sa Our Lady of the Rosary sa Orani, Bataan.

Ito ang ibinahagi ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos kasunod ng opisyal na pag-apruba at paggagawad ng Vatican Sacred Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments ng titulong Minor Basilica sa Our Lady of the Rosary Parish Church.

Ayon kay Bishop Santos, isang tunay na biyaya para sa buong diyosesis ang pagkakahirang sa Simbahan bilang isang Minor Basilica na magsisilbing daluyan ng pagpapala at pagbabasbas ng Diyos.

“The Vatican sacred Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments has granted the title of Minor Basilica to our parish church of Our Lady of the Rosary in Orani. A blessing to the Diocese of Balanga. Our devotion to our Blessed Mother. Truly for us she is our Virgen Milagrosa del Rosario del Pueblo de Orani.” pagbabahagi ni Bishop Ruperto Santos.

Nagpaabot rin ng lubos na pasasalamat si Bishop Santos sa Kanyang Kabanalan Francisco sa naging magandang regalo para sa mga mananampalataya ng Diocese of Balanga, Bataan.

“An immense grace from God. A very precious gift from the Holy Father. We glorify Him. We are very much grateful to His Holiness, Pope Francis.” Dagdag pa ni Bishop Ruperto Santos.

Ang titulong Minor Basilica para sa isang Simbahan ay isang pambihirang pribilehiyo na iginagawad mismo ng Santo Papa.

Ang Our Lady of the Rosary Parish Church ang kauna-unahang Minor Basilica ng Diocese of Balanga, Bataan.

Dahil dito, umabot na sa 16 ang Basilica Minore sa Pilipinas kung saan ang ilan sa pinakakilala at dinarayo ng mga mananampalataya ay ang Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala bilang Quiapo Church at ang Minor Basilica of Santo Niño de Cebu.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 9,096 total reads

 9,096 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 95,848 total reads

 95,848 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 133,221 total reads

 133,221 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 164,482 total reads

 164,482 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 236,849 total reads

 236,849 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 32,180 total reads

 32,180 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top