Survey, hindi sumasalamin sa reyalidad sa mga komunidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 730 total reads

Hindi nagtatapos sa survey ang reyalidad ng inilunsad na war on drugs ng pamahalaan.

Ito ang reaksyon ni Order of Carmilites Justice and Peace Convenor Rev. Fr. Gilbert Billena sa resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS kung saan mayorya ng mga Filipino ang kontento sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Ipinaliwanag ng Pari na bagamat maraming mamamayan sa survey ang suportado ang kampanya ng pamahalaan ay hindi naman ito sumasalamin sa tunay na sitwasyon sa mga kumunidad kung saan talamak pa rin ang kalakalan sa ipinagbabawal na gamut.

Ayon kay Fr. Billena, hindi pa rin nadadakip ang mga drug lord na pinagmumulan ng supply ng droga.

Iginiit ni Fr. Billena na isang kabalintunaan sa layunin ng war on drugs ang pagpapalaya sa apat na convicted drug lord sa halip na ang mga mahihirap na biktima lamang ang pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan.

“Whether we like it or not maraming mga tao na gusto talaga yung War on Drugs ni (Pangulong) Duterte pero in reality naman hindi naman natatapos doon sa survey na yan ang totoong reyalidad ng War on Drugs dahil marami pa ring, may mga droga pa rin sa kumunidad, in fact ito ay nakababahala nga na yung pagpapakawala nila ng 4 convicted drug lords ay isang kabalintunaan doon sa tinatawag natin na War on Drugs ng administrasyong Duterte…” pahayag ni Fr. Billena sa panayam sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ng Pari na ang pagsugpo sa mga mahihirap na sangkot sa kalakalan ng illegal na droga at ang pagpapakawala sa mga convicted drug lords sa bansa ay isang malaking kabalintunaan sa tunay na sinseridad ng kampanya ng pamahalaan.

Nilinaw ng Pari na mahalagang masuri ng taumbayan ang tunay na layunin sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga na kanilang sinusuportahan.

“Gaano ba talaga kaseryoso ang administrasyong Duterte sa War on Drugs na kung saan pinapakawalan nila yung mga drug lords mismo, mga Chinese drug lord, so yan yung isang malaking tanong na pwede nating i-hapag sa taumbayan na kung tunay nga ba yung War on Drugs na ito na kung saan ating tina-target naman yung mga mahihirap pero yung mga convicted drug lords ay pinapakawalan…” Dagdag pa ni Fr. Billena.

Sa tala, 82-porsyento ng mga Filipino ang nagsabing kontento sila sa paraan ng pagsugpo ng administrasyong Duterte sa ipinagbabawal na gamot habang 12-porsyento naman ang hindi nasisiyahan at anim na porsyento ang nag-aalinlangan.

Taliwas naman ito sa posisyon ng mga human rights defenders sa bansa kung saan umaabot na sa 27,000 ang kanilang naitalang bilang ng mga nasawi mula ng inulunsad ang tinaguriang war on drugs ng pamahalaan.

Nauna nang nagpahayag ng pagsuporta ang Simbahang Katolika sa layunin ng kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga, ngunit binigyang diing hindi nararapat malabag ang ano mang karapatan ng mamamayan higit sa lahat kitilin ang buhay ng mga hinihinalang sangkot sa kalakalan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 17,499 total reads

 17,499 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 54,529 total reads

 54,529 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 280,799 total reads

 280,799 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 174,266 total reads

 174,266 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 267,363 total reads

 267,363 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top