Mamamayan, inaanyayahan sa Segunda Mana expo sa San Jose del Monte Bulacan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 657 total reads

Inihayag ni Caritas Damayan Priest -in- Charge Fr. Ric Valencia na ang pakikiisa ng mamamayan sa mga programa ng Caritas Manila ay isang paraan sa pagtulong sa nangangailangan.

Ayon sa Pari, hindi maisasakatuparan ang mga programa ng social action arm ng Arkidiyosesis ng Maynila kung wala ang suporta ng mananampalataya dahil dito nakasalalay ang ikatatagumpay nito.

Sa panayam kay Fr. Valencia sa pagbukas ng Segunda Mana Expo sa Bulacan, sinabi nitong ang pagtangkilik ng mga tao sa mga itinitindang gamit ay pagpapakita ng suporta sa adhikain ng Simbahan na tulungan ang mga dukha sa lipunan.

“Well ito ngayon ang pagkakataon sa mga kababayan natin na nagmamahal sa ating mga kababayan na naghihikahos at nahihirapan dahil sa iba’t ibang kalamidad at dahil din sa kahirapan ng buhay na ipakita ang pagtulong sa pamamagitan ng pagbili,” pahayag ni Fr. Valencia sa Radio Veritas.

Tampok sa expo na ginaganap sa activity center ng Starmall San Jose Del Monte ang mga kagamitang donasyon mula sa mga establisimiyento o mga non-moving items tulad ng damit, bag, sapatos, gamit sa kusina at iba pa na mabibili sa abot kayang halaga o halos 70 porsyento ang ibinaba mula sa orihinal na presyo.
Dahil dito malugod na inaanyayahan ni Krystal Jane Galias, Marketing Officer ng establisimiyento ang mamamayan ng San Jose Del Monte at karatig mga lugar na magtungo sa expo hanggang sa ika – 29 ng Setyembre upang makapamili ng mga panregalo lalo’t nalalapit na ang Pasko.

Sinabi pa ni Fr. Valencia na ang kikitain sa Segunda Mana Expo ay ipantutustos sa programang pang edukasyon ng Caritas Manila ang Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP.

“Ang atin namang tinatanggap mula sa pagbebenta sa mga bagay bagay na ito na idino-donate din sa atin ay mapupunta naman sa ating scholarship program at sa iba pang programa ng Caritas Manila,” ani pa ng Pari.

Sa ginanap na expo sa Vista Mall Antipolo nitong buwan umabot sa humigit kumulang 400, 000 piso ang kinita ng Segunda Mana.

Ang Segunda Mana ay isa sa mga konkretong hakbang ng ating Simbahan sa paglingap ng mga nangangailangan kaya’t inaasahan po ang inyong partisipasyon bilang bahagi ng solusyon sa paglutas sa kahirapan ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 15,826 total reads

 15,826 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 52,927 total reads

 52,927 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 279,197 total reads

 279,197 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 172,664 total reads

 172,664 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 265,902 total reads

 265,902 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top