Tigilan na ang paggamit ng Single-use plastics

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,930 total reads

Ito ang naging mensahe ng pagdiriwang para sa ika-10 taon ng Panahon ng Paglikha sa Diyosesis ng Imus.

Sa pagninilay sa banal na misang pinangunahan ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista, ipinaalala nito na ang buong sanilikha ay hindi pag-aari ng tao, dahil Diyos ang tunay na nagmamay-ari ng lahat ng bagay sa mundo.

Aniya, ang mga tao ay katiwala lamang na bahagi ng kabuuan ng daigdig, kaya naman maling lapastanganin at abusuhin ang likas na yaman.

“Mahalaga na ang ating mga pagsisikap simula pa noong 2009 ay lumago at lumaganap sa lahat ng simbahan. Itong mundong ating ginagalawan ay ipinagkatiwala ng Diyos sa atin. Nakakalungkot na sakabila ng ganitong katotohanan inaabuso ng maraming tao ang daigdig, ang kalikasan.” Bahagi ng pagninilay ni Bishop Evangelista.

Hinimok din ni Bishop Evangelista ang mga kabataan na manguna sa panganagalaga at pagpapalaganap ng kaalaman patungkol sa kalikasan.

Sinabi ng Obispo sa mga ito na ang simpleng pagtatapon lamang ng mga plastic na basura sa kalsada ay may malaking epekto na sa kapaligiran.

Dahil dito, pagbabawas ng konsumo o tuluyan nang pagtigil sa paggamit ng plastic ang panawagan ng Obispo sa mga kabataan, na dapat ituro din nila sa kanilang kapwa.

“Hindi natin pwedeng sabihin na hindi ako na aapektuhan sa aking ginagawa sa kapaligiran. Apektado ang mundo sa bawat pagtatapon ng mali. Sa tuwing tayo ay gumagamit ng plastic at iresponsableng itinatapon ang mga plastic sa daluyan ng tubig, apektado ang mga isda, apektado ang karagatan.” Dagdag pa ng Obispo.

Umaasa si Bishop Evangelista, na ang mga kabataan ang susi upang mapag-ibayo pa ang ginagawa ng simbahan na pangangalaga sa kalikasan.

Naniniwala din ang Obispo na sa pamamagitan ng pagtutulong-tulong ng mga mananampalataya, ay masusunod ang kalooban ng Panginoon, at magiging tunay na kabahagi ang tao at ang sanilikha ng iisang katawan ng simbahan.

“Sana mangyari ito para sa lahat sana wag nang abusuhin ng tao ang kalikasan, sana masunod na natin ang kalooban ng Diyos sa araw-araw para maituring N’ya tayong tunay na kaugnay , mga ina, mga kapatid, tunay na bahagi ng kanyang iisang kataawan ng simbahan.” Pahayag ni Bp. Evangelista.

Taong 2009 nang sinimulan ang Season of Creation sa Diocese of Imus, sa pangunguna ng dati nitong Obispo, na ngayon ay Arsobispo ng Maynila, na si Abp, Luis Antonio Cardinal Tagle.

Sa kabila ng pagtatapos ng isang buwang panahon ng paglikha, magpapatuloy pa rin ang mga programa ng simbahan na nangangalaga at nagtatanggol sa Kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 27,950 total reads

 27,950 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 113,084 total reads

 113,084 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 150,457 total reads

 150,457 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 181,716 total reads

 181,716 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 253,367 total reads

 253,367 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 377,312 total reads

 377,312 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top